Si Poe at Duterte ang maglalaban | Bandera

Si Poe at Duterte ang maglalaban

Ramon Tulfo - March 17, 2016 - 03:00 AM

NANGUNGUNA si Sen. Grace Poe sa survey ng Pulse Asia na isinagawa mula Marso 1-6.

Pumangalawa naman si Davao City Mayor Rody Duterte sa survey.

Nalaglag sa third place si Vice President Jojo Binay.

Ginawa ang survey bago lumabas ang desisyon ng Korte Suprema na pinapayagan siyang tumakbo sa presidential election sa May 9.

Kung pagbabasehan ang resulta ng Pulse Asia, ang magiging close rival ni Poe ay si Duterte.

Maaaring angat si Poe kay Duterte sa ngayon, but voters will soon realize that between experience and inexperience, the one with experience should win.

Wala naman kasing ipagmalaki si Poe kundi ang pangalan ng kanyang tanyag na yumaong ama na si Fernando Poe Jr., isang batikang aktor.

Hindi pa nga umiinit ang upuan ni Poe sa Senado, gusto na niyang maging presidente. Napaka-ambisyosa naman niya!

Umalis si Poe ng bansa upang mag-aral sa America at nang siya’y andoon ay kinupkop niya ang US citizenship.

Ibig sabihin ay wala siyang pagmamahal sa bayan at kinupkop niyang muli ang pagiging Filipino citizen dahil sa pagkahirang bilang chairman ng Movie Television Review Classification Board (MTRCB).

Mari-realize ng mga botante na mas kailangan ng bayan si Duterte bilang Pangulo dahil may karanasan siya bilang mayor ng isang malaking bayan.

Maiisip din ng mga botante na walang naipangakong malinaw si Poe tungkol sa kriminalidad at problema sa droga; di gaya ni Duterte na nangako na aalisin niya ang krimen at droga within six months upon his installation to office.

Dahil nalutas niya ang mga magkaakibat na problema sa krimen at droga, ang Davao City ngayon ay isa sa 10 lungsod sa mundo na tinuturing na pinakaligtas.

At ang mas mahalaga ay walang korapsyon sa Davao City Hall .

Isa sa mga pangako ni Duterte ay pag-alis ng corruption sa kanyang administrasyon kapag siya’y nahalal.

Kung ang pagbabatayan ay ang mga malalaking crowd na sumasalubong sa kanya sa mga lugar na pinupuntahan niya, mananalo si Duterte.

Ang mga crowd ay hindi hakot dahil walang pera si Duterte na ibabayad sa mga hakot crowd.

Sobrang kapos sa pera ang kampo ni Duterte kaya’t ang pinamimigay lang nila ay ang lastikong bracelet na may pangalan siya.

Ayaw naman kasi ni Duterte na tumanggap ng campaign contribution sa mga taong may kontrata sa gobiyerno.

Ayaw niya kasing magkaroon ng utang na loob at mahirap na niyang mahindian ang mga may kontrata sa gobiyerno kapag siya’y nahalal.

Eh, karamihan sa mga malalaking contributors ay may government contracts.

Kailangan ng taumbayan na magising sa katotohanan na kapag malaking pera ang ginagastos ng isang kandidato ay mapipilitan siyang mangurakot upang mabawi niya ang kanyang ginastos o mabayaran niya ang kanyang pagkakautang sa campaign contributors.

Kung atat na atat talaga na kumita ang isang botante sa Election Day, puwede naman niyang tanggapin ang perang binigay sa kanya pero iboto pa rin ang kandidatong karapat-dapat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Duterte ang karapat-dapat na kandidato na iluklok sa Malakanyang.


Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending