Horoscope, March 16, 2016 | Bandera

Horoscope, March 16, 2016

Madam Sophia - March 16, 2016 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Isang kakaibang bituin ang tatanglaw sa iyong kapalaran. Wag matakot na ipatupad ang mga balakin sa buhay. Sa pag-ibig, isang nilalang na may birth date na 1, 10, 19 o kaya’y 28 ang magbibigay ng wagas na kaligayahan. Mapalad ang 2, 13, 25, 31, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Posse-Vindentur-Aum.” Green at yellow ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Wag mag-alala kung hindi nangyayari nang mabilis ang iyong mga balak. Alalahaning nagawa ang dakilang piramide sa Ehipto sa mahabang panahon. Ganoon din ang tagumpay, sa paisa-isang pagsisikap ay mararating mo rin ang pag-unlad. Mapalad ang 3, 18, 23, 28, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Omni-Pad-Me-Om.” Red at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Magkakaroon ng kakaibang sigla sa araw na ito. Habang ginaganahan, gawing mabilis ang mga bagay na noon mo pa gustong gawin. Sa pag-ibig, wag nang ipagpaliban pa ang pagpaparaos ng iyong libido sa minamahal. Mapalad ang 8, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Cineri-Gloria-Sera-Est.” Lilac at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Nangyayari ang lahat ng bagay sa takdang panahon. Ngayon na ang iyong panahon upang magsimulang magpayaman. Sa pag-ibig ito na rin ang tamang panahon upang makipag-date sa kasuyong Libra. Mapalad ang 5, 17, 25, 38, 43 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Crede-Quod-Habes-Om.” Green at silver ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Magpakasaya sa mga bagay na nasa sa iyo na, kaysa ikalungkot ang mga bagay na wala sa iyo. Sa pag-ibig, pagtiyagaan ang kasuyong mahina sa romansa, kasya sa walang kasuyo. Sa pinansyal, pagkasyahin ang hawak na pera sa mga pangangailangan. Mapalad ang 7, 16, 25, 43, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Alleluia-Amen.” Orange at white ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Ingatan ang pagbubukas ng bibig upang hindi na maulit pa ang mga kabiguang dinanas. Sa pag-ibig, wala kang ibang sasabihin sa iyong kasuyo kundi “Mahal na mahal na mahal kita!” Mapalad ang 9, 14, 19, 24, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vedata-Rata-Vada-Om.” Orange at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Sa pagtuklas pang lalo ng mga kakaibang kaalaman, mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig ay ganoon din, lalong mapapaligaya ang karelasyon kung tutuklas ka ng iba pang estilo sa romansa. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 43 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Vedanta-Sutra.” Purple at green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)— Kakaibang uri ng pagkain at musika ang magpapabago ng buhay. Sa pinansyal, laging magpatugtog ng music anuman ang ginagawa upang lumakas pang lalo ang iyong enerhiya. Sa pag-ibig, lalakas ang libido kung laging kakain ng mga exotic food. Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Blue at white ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Hindi dapat na ma-perfect ang bawat araw, ang mahalaga ay kahit isang bagay ay may natapos ka. Sa pag-ibig, sapat na ang isang halik sa pisngi ng kasuyo upang maramdaman niyang love mo pa rin siya. Mapalad ang 7, 11, 13, 25, 31, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Babam-Kebalam.” Violet at beige ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)— Sa pag-ibig, sabihin ang iyong nararamdaman, kaysa kung ano-anong negatibong bagay ang iyong iniisip. Sa negosyo, ituloy ang binabalak na kalakal – pagkain. Mapalad ang 9, 19, 27, 33, 45, at 49. Mahiwa mong mantra: “Aum-Karaam-Om.” Red at lilac ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa panahong hindi umaayon sa iyong kagustuhan ang sitwasyon, mas mainam na magrelaks-relaks muna. Sa tabing dagat, yayain ang mahal sa buhay na mag-swimming. Sa ganyang paraan mare-recharge ang iyong enerhiya. Mapalad ang 7, 11, 25, 34, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Amara-Om-Ananda.” Green at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pag-ibig, kung hindi ka sigurado sa isang sitwasyon ay wag mong sunggaban dahil mabibigo ka lang. Sa pinansyal, itigil na ang pagi-invest ng time sa isang produktong hindi naman siguradong mababenta. Mapalad ang 4, 18, 27, 33, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Vai-Nava-Om.” Black at pink ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—May malakas na enerhiyang hihigop sa iyo upang pumunta sa isang kakaibang lupain—magpatangay ka! Sa malayong pook ang kaligayahan ng puso at wagas na pag-unlad ay makakamit. Mapalad ang 7, 9, 16, 25, 28, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Gita-Gita-Bhagava.” Green at magenta ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending