Sulat mula kay Anna Lorie ng Talipapa, Novaliches, Quezon City Dear Sir Greenfield, Tapos po ako ng Education kaya lang hindi ako nakapasa sa LET kaya tinatamad akong magturo, lalo na sa mga private school na maliit ang suweldo. Kaya naisipan kong sa call center na lang ako mag-aplay. Sa ngayon po ay nag-aaplay ako sa call center kaya lang ay hindi pa ako tinatawagan. Itatanong ko lang kung may pag-asa kaya akong mapasok sa call center at kung sakaling mapasok ako, gaganda naman kaya ang career at income ko sa kumpanyang papasukan ko? December 14, 1989 ang birthday ko. Umaasa, Anna Lorie ng Novaliches, Quezon City Solusyon/Analysis: Palmistry: Ayon sa gumanda at kumapal na Fate Line na tinatawag din nating Career Line (Illustration 1-1 arrow 1. At 2.) sa iyong palad, tiyak ang magaganap sa taon ding ito ng 2016 mapapasok ka sa inaplayan mong call center. At sa sandaling napasok ka sa call center, sa nasabing larangan, tuloy-tuloy na gaganda ang iyong career hanggang sa lumaki ng lumaki ang iyong suweldo. Cartomancy: Queen of Diamonds, Six of Diamonds, at Nine of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ay nagsasabing sa sandaling nakapasok ka sa call center sa taong ito ng 2016, magtutuloy-tuloy ang suwerte mo at magandang kapalaran sa panahong iyon magandang maganda na ang career mo at malaking malaki na ang suweldo mo. Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
