Blood is truly thicker than water – I sometimes agree.
Nakita ko ulit ang kahulugan ng kasabihang ito sa magkapatid na Ara Mina and Cristine Reyes nang masuong sa malaking kontrobersiya si Cristine against our dear friend Ms. Vivian Velez who has already resigned from the ABS-CBN TV series Tubig At Langis. For sure ay alam niyo na ang kuwentong ito and finally nga raw ay nagsalita na si Cristine – naglabas ng kaniyang saloobin and without batting an eyelash ay pinaniwalaan agad ni Ara na nagsasabi ng totoo ang nakababatang kapatid.
Nu’ng una ay tahimik lang na pinakinggan ni Cristine ang aria ni kaibigang Vivian and when she decided to talk, walang pagdududang sinabi ni Ara that her sister was telling the truth.
“Ah okey. So masasabi rin ba niyang totoo ang lahat ng sinabi ni Cristine about her nu’ng mag-away sila? Kasi nga, hindi naman siguro gagawa-gawa ng kuwento si Cristine kung hindi nga totoo ang sasabihin niya kesehodang masira ang imahe ng pamilya nila sa publiko, ganoon ba iyon?
“So, mabait si Cristine? Hindi siya nagmaldita? Na si Vivian ang may kasalanan? Ganoon din ba iyon?
Hay naku Ara, what credibility do you have para paniwalaan namin? Kungsabagay, magkapatid nga pala kayo – iisa ang hulmahan ninyo,” talak ng isang buwisit na buwisit sa magkapatid na ito.
In fairness naman kay Ara, compared kay sistah Cristine, mas mabait namang di-hamak ito. Mas minahal naman namin si Ara kaysa sa kaniyang feelingerang kapatid.
Mas matino namang di-hamak ito kay Cristine in terms of pakikisama at pag-uugali. Pero para kumbinsihin kaming mas tama si Cristine sa isyu nila ni Ms. Vivian Velez, that’s far-fetched. Isang malaking kagagahan sa amin ito.