Sotto bumaba sa ikalawang puwesto

tito sotto
Bumagsak sa ikalawang puwesto si Sen. Tito Sotto III sa survey ng Pulse Asia na kinomisyon ng ABS-CBN2.
Nanguna sa pinakahuling survey si dating Sen. Kiko Pangilinan na nakakuha ng 53.1 porsyentong boboto sa kanya. Sa survey noong Pebrero siya ay nakakuha ng 47.2 porsyento.
Nakakuha naman ang reelectionist na si Sen. Tito Sotto III ng 48.9 porsyento mas mababa sa 50.6 porsyento na nakuha nito noong Pebrero.
Pumangatlo naman Senate President Franklin Drilon (45.5 porsyento), na sinundan ni dating Sen. Panfilo Lacson (45.1 porsyento), at Sen. Ralph Recto (42.5).
Sumunod naman si dating Sen. Juan Miguel Zubiri (36.5 porsyento), Sen. Serge Osmena (36.4 porsyento), dating Sen. Richard Gordon (34.8), dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros (33.3), pang-10 si Sarangani Rep. Manny Pacquiao (32.7) na sinundan ni dating Justice Sec. Leila de Lima (32.1).
Nag-aagawan naman sa huling puwesto sina dating TESDA chief Joel Villanueva (28 porsyento), Sen. TG Guingona (26.3) at Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian (25.6).
Pang-15 naman si dating MMDA chairman Francis Tolentino (22), Mark Lapid (22), aktor na si Edu Manzano (19.1), Leyte Rep. Martin Romualdez (18.4), Manila Vice Mayor Isko Moreno Domagoso (15) at Bayan Muna Rep. Neri Colmenares (10.4).
Ginawa ang survey mula Marso 1 hanggang 6 at kinuha rito ang opinyon ng 2,600 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus 1.9 porsyento.

No Matter How Bad Yesterday Was,

Read more...