SC pinayagan ang 3-araw na birthday furlough ni GMA

gma2
INAPRUBAHAN ng Korte Supema ang kahilingan ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na makalabas ng ospital para ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa kanilang bahay.
Sa kabila nito, tatlong araw lamang ang ibinigay ng Kataastaasang Hukuman na birthday furlough kay Arroyo imbes na limang araw na kanyang hiniling.
Epektibo ang kanyang furlough Abril 4 hanggang Abril 6.
Nakatakdang ipagdiwang ni Arroyo ang kanyang ika-69 na kaarawan sa Abril 69. Kasalukuyan siyang naka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City dahil sa kasong plunder sa Sandiganbayan dahil umano sa maling paggamit ng P366 milyong pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Read more...