Pag-amin ng dating fan ng AlDub: Maine, Alden nakakasawa na, nakakaumay na! | Bandera

Pag-amin ng dating fan ng AlDub: Maine, Alden nakakasawa na, nakakaumay na!

Cristy Fermin - March 15, 2016 - 02:00 AM

alden richards

Hala! Nagbago na ng tono ang salita ng mga kaibigan namin na dati’y hindi muna nagtatrabaho kapag hindi pa nila napapanood ang kalyeserye ng Eat Bulaga. Ang kanilang rebelasyon, hanggang sa All For Juan, Juan For All na lang daw sila ngayon, hindi na nila hinihintay ang kalyeserye.

Ang dahilan? Sabi ng isang kausap namin, “It has something to do siguro sa sawa factor. Parang naumay na kasi kami ng mga anak ko. Kahit saan kasi, e, sina Maine Mendoza at Alden Richards ang makikita mo.

“Over exposed na sila, kahit sa kalye, makikita mo ang mga billboards nila. Sa TV, sila rin ang mapapanood mong nag-e-endorse ng iba-ibang produkto! “Nakakasawa na sila, nakakaumay, kaya back to normal na kami ngayon.

Hanggang sa JoWaPao na lang kami dahil sila naman talaga ang inaabangan namin sa Eat Bulaga,” sabi nito. May isang kaibigan naman kaming nakausap na nagkomento na hindi na raw nito gusto si Maine ngayon dahil sa mga kuwentong nakararating sa kanya.

Puro hindi kagandahan ang mga istorya, patungkol ‘yun sa pagiging maangas na ngayon ng dalaga, apektado ito ng mga nakararating na kuwento sa kanya tungkol kay Yaya Dub. “May friend kasi ako na house nila ang ginamit na stand by area nu’ng magpunta sa lugar nila ang tropa ni Maine.

May kamalditahan daw, saka hindi pinong kumilos, parang jologs na jologs daw. “Magpapa-picture dapat ang mga pamangkin niya, pero ayaw kumibo ni Maine, nu’ng pagbigyan niya ang mga bata, parang pilit na pilit lang,” kuwento ng aming kausap.

Dahil ang mga kababayan naman natin ang nagbabayad ng kuryenteng nakokonsumo nila ay sila ang may karapatang pumili ng kung anu-anong programa ang gusto nilang panoorin. Wala na ba itong interes ngayon sa AlDub? Ang kanyang sagot, “Going there.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending