Serye nina Juday at Ser Chief sa ABS tuloy pa rin

By Reggee Bonoan March 15,2016
share this

Serye nina Juday at Ser Chief sa ABS tuloy pa rin

By Reggee Bonoan March 15,2016
share this

judy ann santos

SI Judy Ann Santos na lang pala ang hinihintay ni Richard Yap pata matuloy na ang naudlot nilang serye sa ABS-CBN na may titulong Someone To Watch Over Me.

Ito ang sabi sa amin ni Ser Chief nang makatsikahan namin siya sa ginanap na pictorial nila ni Richard Poon sa G-Force studio noong Linggo. “Siya (Juday) na lang ang hinihintay kung kailan siya ready.

Tuloy pa naman daw iyon according to management, so if she says, she’s ready (para sa taping), then go na kami. I think before end of this year yata,” sabi ng aktor sa amin.

Samantala, may upcoming concert si Richard kasama si Richard Poon kaya sila may pictorial, bandang Agosto pa raw na gaganapin sa PICC. Ang Cornerstone Concerts ang producer nito kaya tinanong namin si Erickson Raymundo kung bakit sa PICC, e, mahirap puntahan ang venue na ito.

Puwede naman saAraneta Coliseum. “E, puro mayayaman ang following nila, puro Chinese, hindi naman sila pangmasa, lalo na si Richard Poon,” katwiran sa amin ni Erickson.

Going back to Richard Yap ay tinanong namin kung anong latest sa kanya ngayon dahil tapos na ang guesting niya sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang kontrabida. “Mayroon na, actually, I’m taping nga, pero hindi pa umeere ‘yung serye, I still don’t know kung kailan ang airing and what timeslot.

Guest ulit ako roon, hindi pa ako mainstay,” kuwento nito. At dahil Papa Chen at Ser Chief pa rin ang tawag kay Richard ay tinanong siya kung kailan sila ulit magtatambal ni Jodi Sta. Maria na hanggang ngayon ay marami pa ring supporters, “Oo nga, eh, so far walang offer at saka baka malabo kasi I’m doing another serye now, ‘yung guest ako.”

Kaya abangan na lang daw ng fans ni Richard kung kailan ipalalabas ‘yung seryeng tine-tape niya ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending