Ni JOSEPH GREENFIELD
Bandera resident psychic
Wakas
SA panahon ding tinuran sa kasagsagan ng eleksyon, maraming kandidato ng oposiyon ang mananalo kabilang na si dating Pangulong Erap, habang si Vice President Jejomar Binay ay himala at biglang mapupuwesto sa panunungkulan.
Magaganap sa buwan ng Hulyo hanggang Agosto sa mga petsang 2, 3, 9, 10, 16, 23, at 30 sa mga araw ng Lunes, Biyernes, Sabado at Linggo.
Sa kabila ng pagsasaya ng oposisyon sa tinamong tagumpay, biglang magkakasakit si dating Pangulong Erap na kung hindi magpapagamot sa ibang bansa, malamang na sa taon ding ito ng 2013 ganap na siyang mamamaalam sa mundo ng showbiz at politika.
Bago matapos ang taon, tulad ng nangyari kay Secretary Jesse Robredo, dalawang miyembro ng Gabinte ng Pangulo ang maaaksidente, hindi na sa eroplano kundi sa sasakyang panlupa at pandagat.
Ang dalawa ay kabibilangan ng babae at lalaki, na sobrang napakalapit sa Pangulo. Magaganap sa kalagitanaan hanggang sa huling hati ng taon sa buwan ng Agosto hanggang Disyembre sa mga petsang 3, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18, at 27 sa mga araw ng Huwebes, Biyernes, Sabado at Linggo.
Sa huling hati ng taon, manganganib at magluluksa ang senado sa biglaang pagkamatay ng dalawang senador na may initial na J., A. at E.
Uugong ang balita ng pagkandidato ni Bongbong Marcos bilang pangulo ng bansa, ngunit magkakasya na siya sa pagiging Bise Presidente tulad din ng anak ni dating Pangulong Erap na si Jinggoy Estrada, habang ang magiging pinakamalakas na kandidato sa pagkapangulo ay isa na namang artista sa katauhan ni Sen. Bong Revilla.
Upang masira ang pangalan ni Revilla, lalabas ang mga black proganda laban sa kanya na inihanda ng kamandag ng Itim na Ahas.
Sa Mababang Kapulungan mapapabalitang may “secret affair” si Congresswoman Lani Mercado Revilla sa isa ring sikat at maimpluwensiyang politiko na ikasisira ng masayang relasyon ng mag-asawa.
Manyayari sa buwan ng Setyembre hanggang Disyembre sa mga petsang 8, 17, 26, 4, 13, 22, 31, 6, 15 at 24, sa araw ng Martes, Huwebes at Biyernes.
Bukod kina Sen. Bongbong Marcos at Jinggoy Estrada, uugong ang balita na ang Pambasang Kamao Manny Pacquiao ay kakandidatong vice president.
Habang tulad ng dating kapalaran, mananatili ang kamandag ng Itim na Ahas sa political career ni Sec. Mar
Roxas.
Tulad ng dati, tatanghalin na naman siyang “banderang kapos” na ni minsan ay hindi na makapanunungkulan pa sa mas mataas na posisyon maliban sa pagiging palagi na lang na senador.
At sa huling tuklaw ng Itim na Ahas sa gobyernong Aquino, bago matapos ang taon sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre sa mga petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 24, sa mga araw Lunes, Martes, Huwebes at Biyernes, dalawang “closet” na senador at dalawang baklang miyembro ng Gabinete ang maglaladlad ng tunay nilang kasarian, na pati na rin ang Pangulo ay madadamay.
Sila ay nagtataglay ng initials na L.O.P.S at T.
Sa bandang huli, uulusin na rin ng Itim na Ahas ang kasarian ng Pangulo at mapagbibintangan na rin siyang kauna-unahang “bading na pangulo ng bansa”, na magiging dahilan upang habamgbuhay na siyang tumandang binata — misirable at nag-iisa!