Diego Loyzaga nanuntok sa party ng anak ni Sen Jinggoy Estrada; kakasuhan

NAHAHARAP sa kaso  ang batang aktor na si Diego Loyzaga matapos umano itong manuntok ng dalawang lalaki Linggo ng madaling araw sa isang club sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.

Ayon kay Sr. Supt. Ramil Ramirez, hepe ng Taguig City Police, magdedemanda  ng kasong physical injuries ang magkapatid na sina Wilmer Angelo at Wilmer Paulo Lopez, na may edad 19 at 18, ayon sa pagkakasunod, laban sa aktor na si Diego.

Si Diego ay anak ng aktor na si Cesar Montano sa aktres na si Teresa Loyzaga.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente alas 4:30 ng madaling araw sa The Palace Pool Club.

Dumalo sa party ni Julian Estrada, anak ng nakakulong na si Senador Jinggoy Estrada, ang magkapatid at maging si Diego kasama ang kanyang grupo.

Nagkaroon ng pagtatalo ang mga biktima at ang grupo ni Loyzaga; hanggang sa mairita umano ang aktor at suntukin diumano nito ang magkapatid na Lopez.

Isinugod naman ang magkapatid na Lopez sa Taguig-Pateros District Hospital dahil sa mga sugat na tinamo sa mukha at iba’t ibang bahagi ng katawan.

Magsasampa ng kasong physical injury ang magkapati laban sa aktor.

Read more...