Kris pinagbabayaran lang ang mga pagkakautang; ayaw magpatalbog kay James

kris aquino

Kahit naman siguro kami si Kris Aquino ay aapuntahan din kami nang sobra-sobrang pagkainis sa mga salitang super-anghang na ibinabato laban sa kanya ngayon ng ating mga kababayan.

Parang lumalabas kasi na wala na siyang karapatang maglabas ng kanyang saloobin, lalo na at nagsasabi naman siya ng totoo tungkol sa kanyang kalusugan at mga anak, parang gusto nang lagyan ng zipper ng mga bashers ang kanyang bibig.

Parang kokonti lang ang naniniwala sa kanyang pansamantalang pamamaalam, parang ginagawa na lang siyang pambansang joke, nakakainis nga naman ang ganu’n. Kung kailan daw kasi may isyu tungkol sa ex niyang si James Yap ay saka lang nagpapalutang ng kung anu-anong kadramahan ang aktres-TV host, nagdadalantao kasi ngayon ang girlfriend ng ama ng kanyang si Bimby, kaya umeeksena rin ngayon ang mahal nating si Krissy Baby.

Pero kung babalikan natin ang nakaraan at bubusisiin natin ang sitwas-yon ay makakakitaan din natin ng dahilan at katwiran ang mga pumapansin-humuhusga kay Kris. Siya rin ang puwedeng sisihin kung bakit parang maraming ayaw nang maniwala sa kanyang mga sinasabi.

May record na kasi siya sa taumbayan, maraming beses na niyang pinaniwala ang publiko na tatalikuran na niya ang showbiz, pero hindi niya naman ‘yun pinaninindigan. Ganu’n talaga.

Ang nakaraan ay nagsasalita sa kasalukuyan at sa hinaharap. Nagtatatak ang panahon. Kapag may mga sinabi tayo na hindi naman natin pinanindigan ay sisingilin tayo nu’n sa kalaunan.
Nagbabayad lang ngayon si Kris Aquino.

Read more...