Kris naghahanda na sa pagbaba ni P-Noy sa Malacañang; tiyak na maraming problemang haharapin
THEORIES! Theories! Theories!
Iyon na lang ang puwede nating gawin – umikot sa iba’t ibang teorya para matumbok ang mga kasagutan sa maraming mga bagay-bagay sa mundo.
Lalo na kung palaisipan ang mga nakakarating sa ating mga balita – lalo na sa showbiz na mas lamang ang kaechosahan kaysa sa katotohanang luma-labas sa marami nating mga artists.
In the case of Kris Aquino, nang maglabas siya ng statement na siya ay titigil na finally sa showbiz, marami ang nagulantang pero marami rin ang natawa. Nagulantang ang mga avid supporters niya kasi nga mami-miss nila ang idol nilang unti-unting nang nawawalan ng ningning.
Kasi nga, bagsak daw ang rating ng KrisTV at ang recent movie niya ay sobrang flop sa takilya. In short, nawala na ang magic ng isang Kris Aquino na dati-rati’y apaw na apaw sa banga.
“Nabasa ko sa isang item na hindi naman pala siya for good na aalis sa showbiz – three months lang pala. Advise raw ng doctors niya sa high blood ay kailangan niyang magpahinga ng two to three weeks – yung complete rest talaga.
Kaya bibiyahe na naman silang mag-iina (Joshua and Bimby) sa paborito nilang lugar abroad and pagbalik niya rito ay haharapin naman niya ang kaniyang mga itinayong mga negosyo sa bansa.
“Hindi kaya tulad din sila ng mga napapabalitang presidential families dati na tuwing nag-a-abroad ay nagde-deposit ng limpak-limpak na salapi sa mga bangko roon para mahirap i-trace? Kasi nga naman, kung si Kris ang magde-deposit doon ay hindi makukuwestiyon masyado kasi nga sa imahe niyang super-rich dahil sa sobrang dami ng trabaho, hindi mahahalatang pera na pala ng pamahalaan ang ipinapasok niya? Haka-haka lang naman iyan ng ilang kababayan natin,” anang isang kaibigan naming analyst.
Hindi ako sure kaya ayokong mag-comment. Pero meron naman akong isang theory about her pamamahinga temporarily – nagwa-one-plus-one lang ako. Okay, nag-announce na si Kris that she’s leaving showbiz dahil sa health-reasons nga.
Pero habang tinitilad ko ang mga nakapalibot sa kaniyang mga isyu, ito ang basa ko riyan: she has to take a leave talaga dahil unang-una, patapos na ang term ng kuya niya as president of the country kaya dapat na niyang ayusin ang kabuhayan showcase niya. Kailangang i-secure niya ang kayamanan nilang mag-anak.
Pangalawa, she has put up many businesses kaya dapat talagang ayusin niya ang mga ito dahil pag iba na ang panguluhan, tiyak na mahihirapan siyang mag-document ng lahat. Pangatlo, she mentioned in some interviews that she will be campaigning for Vice Presidentiable Leni Robredo dahil under ito sa Liberal Party ng kaniyang kuyang pangulo.
In short, sasama siya sa mga sorties ni Leni dahil alam nilang napakahina nito sa ra-ting. Kris Aquino is a very intelligent lady – marunong umeksena iyan. Kailangang may mga kaalyado silang makaupo sa susunod na rehimen dahil tiyak na left and right ang problemang haharapin ng buong angkan niya, including his brothers-in-law.
“Maraming kasong isasampa talaga kay P-Noy pero most of them are bailable unlike the other past presidents. Linis-linisan ang drama kasi ni P-Noy, di ba? Nakatago sila sa imahe ng pagka-relihoyoso, sa tuwid na daan kuno. Pero mind you, for sure, marami talaga silang kasong haharapin,” sabi pa ng isa pa naming kaibigang very political.
Kris’ absence in the business will definitely be felt kahit sabihin pa nating totoong three months lang siyang mawawala. Parang hindi kasi sanay ang showbiz na hindi naririnig ang pangalan ni Kris – you know naman how Kris conquers the front pages pag nagsasalita siya.
Kahit paulit-ulit ang issues na pinagsasabi niya of herself ay pinapatulan pa rin lalo na sa social media. Kris Aquino is Kris Aquino. “Sinabi naman niya before na kailangan niyang tulungan ang kuya niya after he goes down of Malakanyang dahil marami nga raw itong pakakaharaping kaso tiyak.
Kasi nga, isa siya sa unang nakinabang sa panguluhan ng Kuya Noynoy niya. Lahat ng shows and endorsements kanya. Pati nu’ng time nang pangunguna ng mga movies niya sa Metro Manila Film Festival the past years, malaki talaga ang kinita niya dahil she was co-producer in those films.
“Kaya can you just imagine how rich Kris Aquino is right now? Kung magkano talaga ang tunay na net worth niya? Okay nandoon na tayo sa pagiging dutiful taxpayer niya pero saan ba nanggagaling ang ipinambayad niya sa napakalaking taxes niya?
“Sa taumbayan din naman, di ba? Though indirectly nga lang. Kung tayo rin naman ang nasa sitwasyon niya, baka hindi lang ganoon ang ibabayad natin sa tax – baka dinoble pa natin dahil sa sobrang pakinabang sa panguluhan ng kuya niya.
“She got all the jobs that she wanted – she got all the money she wanted dahil lahat ng gusto niyang trabaho ay ibinigay sa kaniya. Masipag daw kasi si Kris kaya siya yumaman nang husto. Marami naman tayong masisipag, di ba? Pero we don’t get the same opportunity like her – and magkano lang ba ang bayad sa atin compared to her?
“Pero can these people complain? Of course not! Subukan nilang mag-complain at tanggal sila sa work. Pero pag si Kris na ang nag-complain, lahat sila on their toes and whatever she demands kailangang ibigay sa kaniya – dagdag-sahod, privileges and all. Ikaw na ang maging Kris Aquino,” mahabang litanya pa ng aming nakausap.
Hay naku, tama na! Nakakapagod isipin. Hayaan na lang nating magbakasyon si Kris hanggang gusto niya. Isipin na lang nating isa siyang cartoon character na hindi talaga nag-e-exist – na isa lang siyang kathang-isip para hindi tayo maapektuhan. Ha-hahaha! Good luck, Kris and to all the Aquinos after May!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

