Sulat mula kay Mirasol ng San Nicolas, Guagua, Pampanga Dear Sir Greenfield, Ako po ay nakapag-asawa ng seaman at noong una okay naman ang relas-yon namin. Regular siyang tumatawag sa akin kahit na nasa barko siya. Pero nang tumuntong ang 2016 buwan ng Enero nagsimula ng tu-mabang ang relasyon namin, hindi na po siya tumatawag at hindi na rin nya sinasagot ang call at text ko. Hanggang isang araw ay nag-text siya sabi nya sa akin, limutin ko na daw siya. Mula noon wala na akong narinig ni ano man sa kanya at nagbago na rin siya ng SIM card. Naiwan sa aking pangangalaga ang isa naming anak at sa ngayon nga ay nahihirapan ako kung paano ko siya palalakihin. Hindi ko po alam kung ano ang nagawa ko sa kanyang kasalanan. Basta bigla na lang po siyang nagbago. Itatanong ko lang kung babalik pa kaya ang aking asawa o baka may asawa na siyang iba? Kung hindi na siya babalik makapag-aasawa pa kaya uli ako? April 4, 1988 ang birthday ko. Umaasa, Mirasol ng Guagua, Pampanga Solusyon/Analysis: Palmistry: Dalawa ang namataang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1 at 2.) sa iyong palad. Pansining ang una ay pangit, nabiyak at magulo (arrow 1.) habang maayos at maganda ang ikalawa (arrow 2.). Tanda na kung sa unang pag-aasawa ay nabigo ka at lumuha, sigurado namang sa ikalawang pag-aasawa, magtatagumpay ka na at mas magiging maligaya. Cartomancy: Queen of Spades, Queen of Clubs at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.), ang mga baraha ang nagsasabing limutin mo na ang una mong asawa, dahil hindi na siya babalik kailan man at ituring mo na siyang namatay. Habang ang Nine of Hearts at Queen of Ckubs ang nagsasabing sa ikalawang pag-aasawa, habambuhay ka nang liligaya. Itutuloy …
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
