Donna Cruz: Mahal na mahal ako ng asawa ko at faithful siya sa akin!

By Ervin Santiago March 13,2016
share this

Donna Cruz: Mahal na mahal ako ng asawa ko at faithful siya sa akin!

By Ervin Santiago March 13,2016
share this

donna cruz

“MAHAL na mahal ako ng asawa ko!” Ito ang ipinagdiinan ng original Multi Media Star na si Donna Cruz na aniya’y isa sa mga dahilan kung bakit very happy pa rin ang kanyang married life.

Ayon sa singer-actress sa kabila ng ilang pagsubok na pinagdaanan nila ng asawang si Dr. Potenciano “Yong” Larrazabal III, nananatili pa rin ang respeto at pagmamahal nila sa isa’t isa.

Sa presscon na ibinigay sa kanya ng Stat Music para sa comeback album niyang “Now And Forever” natanong si Donna kung ano ang maipapayo niya sa mga pinsang sina Sunshine at Sheryl Cruz, pati na rin kay Geneva Cruz, para magkaroon ng happy married life.

Sa magpipinsan kasi ay siya ang maituturing na swerte sa asawa. Alam naman ng buong mundo na pareho nang hiwalay sa kani-kanilang asawa sina Sunshine at  Sheryl at mukhang wala rin daw swerte sa lalaki si Geneva.

“Napakaswerte ko po dahil binigyan ako ng Diyos ng mabait at faithful na asawa…yes malakas po ang loob ko na sabihin yan dahil napatunayan ko na yan sa loob ng halos 17 years. “Hindi niya ako binibigyan ng problema kasi ganu’n din naman ako sa kanya, although I know ganu’n din naman ang mga pinsan ko.

It’s just that sobrang blessed po ako sa asawa ko because I know na mahal na mahal niya ako,” sabi pa ni Donna. In fairness, looking young and fresh pa rin si Donna kahit tatlo na ang mga anak niya, at 16 years old na pala ang kanyang eldest daughter, ha! Kuwento pa ng singer-actress excited din ang family niya sa pagbabalik niya sa music scene dahil, “Alam kasi nila na talagang love na love ko ang singing.”

Samantala, super busy na ngayon si Donna sa pagpo-promote ng kanyang bagong album na “Now and Forever.” Hindi naman maikakailang nae-enjoy niya ang pagbabalik niya sa recording scene dahil aniya, “perfect timing” daw ito.

“Star Music showed interest when I was really ready na. Kung may na-miss talaga ako ever since I got married, ito ‘yung singing and ‘yung feeling na gusto ng mga nakakarinig ‘yung songs at pagkanta ko. Talagang it’s one of my greatest joys in life.

First love ko ang singing kaya babalik-balikan at hahanap-hanapin ko rin talaga,” ani Donna. Laman ng album niya ang dalawang orihinal na kanta – ang “A Love to Last” at “Langit Ang Pag-ibig” – composed by Vehnee Saturno, na siya ring gumawa ng ilan sa pinakamalalaking hits ni Donna noong 1990s.

Kaya naman ayon sa singer, tunog-Donna Cruz ang mga awitin niya sa “Now and Forever.” “I-expect ng mga makikinig sa album na ito na mas ma-in love pa sa taong mahal nila kasi nakaka-in love ang lyrics. The songs I chose are all about love, how it feels to be loved and to love someone so much,” dagdag ni Donna.

Ang mga kantang ito ay “Ikaw Lang Ang Mamahalin,” “Friends,” “Dapat Ka Bang Mahalin,” “Nag-iisang Ikaw,” “Hanggang,” at “Ika’y Mahal Pa Rin,” kung saan ka-duet niya si Piolo Pascual.

“Noong nire-record ko ang bawat kanta, I was really into it na parang nasa harap ko lang ‘yung kinakantahan ko at dine-dedicate ko sa asawa ko, sa mga anak ko, sa parents ko, sa mga kaibigan ko.

Positive lang talaga, hindi mabigat sa pakiramdam,” pagbabahagi ni Donna. Ang “Now and Forever” ay kasalukuyan nang napapakinggan sa Spotify nabibili sa record bars nationwide.

Maaaari na ring madownload ang digital tracks sa pamamagitan ng online music stores katulad ng ABS-CBN Store, iTunes, Mymusicstore.com.ph, Amazon.com, OneMusic.ph, at Starmusic.ph.

By the way, habang ginaganap ang album launch ni Donna ibinalita ng Star Music na soldout agad ang “Now And Forever”sa ilang record bars.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending