Dina ipinagtanggol sina Pauleen at Vic sa Bashers: Hayaan na lang natin silang lumigaya! | Bandera

Dina ipinagtanggol sina Pauleen at Vic sa Bashers: Hayaan na lang natin silang lumigaya!

Julie Bonifacio - March 13, 2016 - 02:00 AM

dina bonnevie

READY for take ang aktres na si Dina Bonnevie nu’ng makausap namin siya sa set ng bagong indie film na pinamagatang “Magtanggol, Bagong Bayani.” She plays the role of Grace Magtangggol, the second wife of veteran actor Joonee Gamboa in the film na gumaganap naman bilang si Juan Magtanggol.

Stepsons ni Dina sa movie ang Kapuso leading man na si Tom Rodriguez at Kapamilya star na si Ejay Falcon na mga anak ni Joonee sa una niyang asawa. “Namatay ‘yung first wife ni sir Joonee so, nag-asawa siya ulit kaya mas bata.

Niloko ko nga siya, ‘O, sige, ikaw si Vic (Sotto), ako si Pauleen (Luna).’ Ha-hahaha! Niloloko ko siya kasi lagi siyang daddy ni Vic, ‘di ba? Kaya noong unang shooting namin sabi ko kay Joonee, ’Hi, sir Joonee, I’m Pauleen!” biro ni Dina kasunod ang malakas na tawa.

Natawa lang daw si Joonee sa tinuran ni Dina. “Parang ang role ko lang dito I’m a good wife. Parang ako ‘yung palaging nag-o-observe sa family. Parang tinitingnan ko ‘yung kilos ng bawat isa. Tapos dumating sa buhay namin ‘yung OFW played by Yam (Concepcion), she plays Nengneng, isang OFW na inabuso.

Parang ako ‘yung pina-kananay-nanayan niya, yung kumukop sa kanya,” bungad na kwento ni Dina. Ina-narrate raw niya ang story ng movie kung bakit naging at odds ang characters nina Tom and Ejay sa “Magtanggol.”

“Maging iisa lang ang adhikain nila after an incident and then, matuto tayong makibaka, na matuto tayong makialam. Matuto tayong gamitin ang boses natin at magreklamo ka kapag alam nating inaapi ka or binubusabos tayo, parang ganoon.

Sabi ko nga, parang it’s a timely movie kasi it’s about OFWs na nagingibang-bansa para lang maapi in the end,” kuwento ni Ms. D. Dagdag pa niya, “It’s also about the Filipinos complacency. Tayo kasi complacent tayo, e.

Kahit alam natin na ginagago na tayo, matiisin, e. Hindi magsasalita. Parang sabi ko, lalung-lao na malapit na ang eleksyon dapat tingnan natin. Ano ba dapat ang ikorek natin.” Speaking of election, meron na raw siyang napiling kandidato para iboto niya pero secret lang daw muna.

“Wala akong ie-endorse. Ang ie-endorse ko lang ang asawa ko. Ha-hahaha!” Si Ilocos Sur Vice-Gov. Deogracias Victor Savellano ang mister ni Dina na tumatakbo ngayong Congressman. Kababayan ng mister ni Dina ang Vice-Presidential candidate na si Sen. Bongbong Marcos.

Tuloy natanong si Dina kung nililigawan ba siya ng anak ng yumaong President ng bansa na si Ferdinand Marcos. Natawa muna si Dina bago sumagot, “Hindi naman kailangang ligawan, e. I mean, hindi naman kailangang ligawan kasi kahit na ano’ng, kahit naman sino’ng mangligaw I will still use my best judgment.

Ayokong magsalita kung sino ang pipiliin ko basta meron na akong napili na sa tingin ko ay para sa ikabubuti ng ating bansa.” Anyway, ang “Magtanggol, Bagong Bayani” ay ipalalabas na sa April 26 prinodyus nina Roberto Juanchito at Susan Dispo ng Felix and Bert Film Productions directed by Sigfreid Barros Sanchez.

Dahil si Dina Bonnevie na ang unang nagbanggit ng Vic Sotto at Pauleen Luna sa aming interbyu, kaya sinundot na agad namin siya ng tanong tungkol sa ex-hubby niya at co-host ng komedyante sa Eat Bulaga.

“I’m happy for them. I wish them all the best despite some detractors na sinasabi, ‘Naku, hindi magtatagal ‘yan kasi ang laki-laki ng age gap. Bla-blah-blah.’ Marami ring sinasabi against Pauleen. Parang sa akin, tumahimik na lang tayo.

Let’s give everybody a chance to be happy. Parang kung ‘yun ang kaligayahan ni Vic, let him be,” say ni Ms. D. Let us not be the judge and let time be the judge kung magtatagal daw o hindi sina Vic at Pauleen.

Tawa na naman si Ms. D when asked kung inimbita ba siya sa wedding, “I saw actually the brother (Maru Sotto) of Vic. Papunta ako ng Thailand. Tapos sabi niya, ‘O, balita ko first reading ka.’ Sabi ko, ‘Ako? Bakit ako naging first reading?’

‘E, kasi second reading si Coney.’ ‘A, ganoon?’ Tapos sabi ko, ‘Ano si Angela?’ Ha-hahaha! Offertory siguro. Ha-hahaha! Sabi ko, ‘Ano ba ‘yan, joke?!’ Pero wala, hindi naman in-invite,” lahad niya. Although, natutuwa naman daw siya kay Vic dahil ibang-iba na raw ang Vic na nakilala niya noon kumpara sa ngayon.

“Before kasi lalaki ‘yan dadaan lang, hindi ka babatiin. Ngayon, siya pa ang unang…first greeter ng happy birthday sa akin. Unang nagbati ng Merry Christmas. Unang nagbati ng Happy New year.

Unang nagbati ng Happy Mother’s Day. Sabi ko ko, ‘Ano’ng nakain mo?’ parang bagay ka sa commercial na ‘ano’ng nakain mo!?” sabay ang tawa ulit ni Dina. Ikinuwento rin niya sa amin kung ano talaga ang nangyari sa una nilang pagkikita ni Pauleen noong mag-guest siya sa programa ng child star na si Ryzza Mae Dizon.

Nasa dressing room daw si Dina nu’ng tanungin siya ng staff ng The Ryzza Mae Show kung pwede siyang tanungin about Pauleen at ang ex-girlfriend ni Vic na si Pia Guanio. “Tapos sabi ko, ‘I agreed to guest this show on the condition that I don’t talk about the letter P’s.

Kasi ayoko, si Pia, P rin si Pauleen, ‘di ba? Tapos tamang-tama naman pumasok siya. Parang she just barged into the room na ‘Hi, Ms. D. I’m Pauleen Luna.’ E, first time ko siyang nakita in person. Parang, ‘O, hi.’ Tapos, nag-shake hand siya, ganyan-ganyan.”

Nag-sorry daw si Dina kay Pauleen dahil ayaw niya talagang magsalita siya tungkol sa kanya or kay Pia sa interview ni Ryzza sa kanya. “Sabi ni Pauleen, ‘Ahh, why naman?’ ‘It’s not necessary and besides, I mean bata ‘yung mag-iinterbyu.

I don’t think, you know, it’s proper for a kid to ask questions as sensitive as those. ‘Ah, tama ka naman Ms. D,’ ganyan-ganyan. ‘Oh, I’m so happy I’ve met you,’ ganyan-ganyan. ‘My God! I met THE, Ms. Dina Bonnevie,’ sabi niya. ‘I’m really honored.’ ‘Oh, thank you.”

Wala naman daw naramdaman si Dina noong sabihan siya ng mga papuri ni Pauleen, “Wala, wala lang. Parang, ‘O, maganda naman pala, ‘di ba?” Pagkatapos ng interview ni Dina, nakita niya si Vic. “Tapos sabi niya, ‘Dina thank you parang I heard, kinuwento sa akin ni Poleng na nag-meet na pala kayo.’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi ko, ‘Ah, yeah.’ ‘Thank you, ha,’ sabi ni Vic. ‘Thank you for what?’ ‘Ah, you know, that you were nice naman to her,’ sabi ko, ‘Ah, why shouldn’t I be, ‘di ba?’ ‘Sabi ko wala namang ano sa akin, sabi ko. Okey lang.”

Naku, kapiraso pa lang ‘yan ng masayang interbyu namin kay Dina. Kasi naman isa si Ms. D sa iilang aktres sa showbiz na matalino at mahusay sumagot sa mga tanong, e.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending