Desisyon ng Supreme Court sa ‘DC’ ni Grace kinuwestiyon ng madlang pipol
AFTER ibasura ang ng Supreme Court ang disqualification case na inihain ng Comelec laban kay Grace Poe sa presidential bid nito, napakaraming alingasngas ang mababasa mo sa social media. Some favored the decision pero marami ang disappointed sa Supreme Court.
“Inaasahan naming dapat ay mauna ang Supreme Court sa pagpapatupad sa batas pero sila pa itong sumisira sa panukalang sila naman ang nag-implement. What kind of justice system do we really have? Nalalagyan ba ang mga iyan?
“Kasi di ba, malinaw na nakasaad sa batas na ang isang presidentiable ay kailangang may residency na 10 years – malinaw namang nakasaad sa batas iyon, di ba? Bakit binali nila? Malinaw na naman iyon ah, hindi ba nila naiintindihan iyon? I am not questioning Grace Poe’s capacity as a public servant.
Ang sa akin lang, ang batas ay batas at since taga-Supreme Court sila, dapat sila ang maunang sumunod sa batas bago tayong mga taumbayan. “They should serve as good examples to the people. Bakit pinaboran nila ito gayong mali na from the very start? Palakasan ba talaga sa hustisya natin? Mga bulag, pipi at bingi ba ang mga iyan? Malaking insulto iyan sa judiciary natin.
“Ngayon ay aasa kayong maging matinong tagasunod kami ng batas eh, kayo nga itong parang ginagawa lang pala kami. Naaawa ako sa bansa natin – mismong mga mahistrado ng Supreme Court ay mga bobo pala.
Akala namin ay matatalino sila, we’ve put them in high-esteem – iyon pala ay hindi marunong magbasa at umintindi ng batas. “That’s the stupidest thing that they’ve done to Filipinos now. Hindi kasalanan ni Grace Poe iyan, kasalanan ng mga taga-Supreme Court iyan!” galit na galit na sabi ng isang friend ko.
Personally ay nagulat din ako sa naging desisyon ng Supreme Court. Ako, I admire Grace Poe, love ko ang ginang na iyan. But the point naman is clear eh – the law is very clear na ang isang kakandidato for such position must have ten years of residency sa Pilipinas the time that he/she files his/her certificate of candidacy.
That’s against the law. “Pero paano nga ba nakapag-come out ng ganoong desisyon ang 9 na mahistrado ng Supreme Court eh alam naman nilang mali iyon? Anong naging batayan nila for allowing her to run? Just because she is very popular to the public? Hindi nga puwede ang ganoon, bawal ngang tumakbo ang isang presidentiable kung wala siyang 10 years na nanirahan sa bansang ito.
Period. Walang comma. Pakipaliwanag sa amin Supreme Court. “Kasi nga, kayo ang highest judicial official ng bansa and dapat kayo ang nagpapatupad ng batas. Bakit nga ganoon? Kayo ang lumalabag sa mismong batas ninyo.
Hindi ito magandang precedent para sa mga susunod na eleksiyon – kahit sino of the same status ay puwede na ring tumakbo and wala kayong karapatang i-disqualify pag nangyari ulit ang ganito. Or di kaya, you have to change that law.
“Baguhin ninyo ang batas na iyan para mas maunawaan namin. Unfair iyan sa mga sumusunod sa requirement. Feeling ng iba tuloy ay may hocus-pocus nga. Huwag ganoon,” ang litanya pa ng isang botante.
Noong una, habang tumatakbo si Grace Poe, habang nagka-campaign siya for this, naaawa kami sa kaniya dahil baka mauwi lang sa wala itong pagpapakapagod niya. Kasi nga, naka-pending nga ang disqualification case niya.
Yung sa amin lang, habang maaga ay husgahan na kung puwede ba siyang tumakbo o hindi para mapanatag ang kalooban niya. Kasi nga, sobrang laki na ng investment niya, sobrang pagod at pawis na ang naubos niya na baka mauwi lang sa wala.
Ngayong nakapagdesisyon na ang Supreme Court to allow her to run ay malinaw namang nagkasala ang Supreme Court dahil hindi nga pasok sa residency requirement si Grace Poe for a presidentiable. Pero iyon nga, inuulit natin, hindi kasalanan ni Grace kung siya ay pinapayagang tumakbo but what happens if she wins naman?
Siyempre, mag-aalsa ang mga talunan sa labanan. Kasi nga, hindi talaga valid ang desisyon ni Supreme Court. Sa palagay niyo ba ay hindi mag-aakalang mga supporters ng lahat ng kalaban niya sa pagkapangulo na matatalo sila ng isang American citizen? Tingnan natin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

