Mga benepisyo ng kasambahay

AKO po si Elena Paragasa na nagtatrabaho sa home depot sa Alabang. Nagkausap po kasi kami ng pinsan ko tungkol sa kanyang sweldo. Nagtanong po siya sa akin kung makatwiran daw ang sweldo na kanyang natatanggap na P1,500 na sweldo kada buwan. May 2 years na rin siyang nagtatrabaho bilang kasambahay sa Dasmariñas, Cavite. Mabait naman daw ang kanyang amo kaya hindi naman siya nagkakaproblema sa mga ito pero mula noong nagsimula siyang magtrabaho sa kanila ay wala pang increase ang kanyang sweldo. Kaya ask ko lang kung tama ito at ask ko na rin ang mga benipisyo na dapat makuha ng mga kasambahay.

Elena Peragasa
Mabuhay City,
Dasmarinas Cavite

REPLY: Base sa iyong katanungan Ms Elena, ang pinakamababang sweldo ng isang kasambahay ay hindi bababa sa mga sumusunod:
1. P 2,500 sa isang buwan para sa mga kasambahay na nagtatrabaho sa National Capital Region (NCR)
2. P2,000 sa isang buwan sa nagtatrabaho sa chartered cities
3.P1,500 sa isang buwan sa mga nagtatrabaho sa iba pang munisipalidad
Dapat ay bigyan nang payslip ang kasambahay kada tatanggap ng sweldong dapat na matanggap at mga kabawasan sa sweldo ayon sa kontrata na naayon sa batas.

Ang mga sumusunod ay benipisyo ng kasambahay:
a. buwanang sweldo na hindi bababa sa minimum wage
b. iba pang benepisyo tulad ng arawan at lingguhang pahinga
c. 5 araw na taunang service incentive leave
d. 13th month pay
e. kalayaan para sa panghihimasok ng amo sa pamamahagi ng kanyang sahod
f. pagiging miyembro ng SSS, Philhealth at Pag-ibig
g.Tamang pagtrato sa kasambahay
h. libreng tutuluyan
i. karapatan sa pansa-riling kakayahan
j. karapatan na ma-kagamit ng sariling komunikasyon
k. karapatan para sa edukasyon at pagsasanay
l. karapatan upang bumuo o tumulong sa labor organization
m.karapatan para mabigyan ng kopya ng employment contract
n. karapatan sa certificate of employment
o. karapatan para tapusin ang empleyo
p. karapatan sa paniniwala sa rehiyon

USEC Nicon Fameronag
DOLE Undersecretary for Employabiltiy of Workers and Competetiveness of Enterprises
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Read more...