Arjo type dyowain si Jane pero di pa raw pwedeng manligaw

JANE OINEZA AT ARJO

JANE OINEZA AT ARJO ATAYDE

“TITA, honestly gandang-ganda ako sa kanya and I want to get to know her!” Ito ang inamin ni Arjo Atayde sa amin nang usisain namin tungkol sa kanila ng magaling na young actress na si Jane Oineza.

“But of course, I don’t want to jump into anything without getting to know her, so nagte-text kami when hindi busy.

“So, for now ganu’n na muna kasi wala po talaga time but I’ll take it from here,” ang sabi pa ng binata nu’ng tanungin uli namin matapos ngang umamin si Jane sa Kris TV na nagpaparamdam sa kanya ang binata.

Nabanggit din ng dalagang aktres na galing na galing siya kay Arjo sa seryeng Ang Probinsiyano na sinegundahan din ni Kris Aquino.

Boto naman ang magulang ni Arjo kay Jane lalo na ang mama nitong si Sylvia Sanchez, “Hindi naman ako nakikialam kung sino ang gusto ng mga anak ko, iisa lang lagi kong sinasabi, dapat respectful lahat at mahalin ang anak ko.

“Mahirap kasing makialam, Reggs, paano kung ako pala ang nagkamali na hinusgahan ko kaagad, e, gustung-gusto pala ng mga anak ko. So pag naghiwalay, hindi ko rin naman kayang makitang nag-iiyak ang mga anak ko.

“Kaya bahala silang mamili basta’t siguraduhin nilang marunong rumespeto sa lahat,” ani Ibyang.

Anyway, hindi pa makapanligaw nang todo si Arjo dahil abala pa siya sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano na halos hindi na yata natutulog dahil sa tuwing kausap namin ay parati siyang nasa set ng programa.

Speaking of Ang Probinsyano ay natanong namin ang aktor bilang si Joaquin kung totoong in-love ang karakter niya kay Bela Padilla bilang si Carmen o pinasasakay lang niya dahil may pinaplano siya kay Coco Martin as Cardo.

Hindi kasi kami naniniwalang seryoso ang hangarin ni Joaquin kay Carmen dahil ang alam namin ay kinukuha lang nito ang loob ng biyuda ni Ador na napatay niya, “Yes tita Reggee, na-in love naman ako sa kanya sa kuwento,” ang sagot sa amin ni Arjo.

Sa madaling salita ay hindi ito planado at base rin sa umeereng kuwento ng Ang Probinsyano ay nag-aaway na ang mag-amang Joaquin at Tomas (Albert Martinez) dahil umiiwas na ang una sa mga plano ng ama kaya gigil na gigil ang huli kay Bela na siyang dahilan kaya nagbago ang anak.

At niyaya nang pakasal ni Joaquin si Bela at tinanggap na rin ng biyuda pagkatapos siyang gipitin ng una na magpapakamatay nu’ng unang tanggihan siya.

Mukhang ikakasal ang dalawa base sa istorya at kapag natuloy ito, iisa lang ang ibig sabihin, matagal pa ang itatakbo ng kuwento ng Ang Probinsyano at ang sinasabing extended ito hanggang Hulyo ay magiging Setyembre na?

In fairness, ang taas kasi ng rating ng aksyon seryeng ito ni Coco dahil umiikot sa lahat ng cast ang kuwento kaya maraming paghuhugutan maski na abutin pa ito ng dalawang taon sa ere.

Ang tanong, mapapantayan kaya ng ipapalit na programa ang itinalang rating ng FPJ’s Ang Probinsyano na umabot sa 46%?

Read more...