Branch manager ng RCBC na idinadawit sa money laundering scam, tinangkang umalis ng bansa

rcbc-300x225
Nagtangka ang branch manager ng RCBC Jupiter, Makati City na lumabas ng bansa sa kasagsagan ng pagkakasangkot niya sa $81 million na money laundering scam.

Sumakay si Maia Dequito ng Philippine Airlines na may flight number PR432 patungo sa Japan, pero pinababa din ito ng eroplano.

Kinumpirma na isang opisyal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na mayroon ngang pasahero na pinababa sa nasabing flight dahil sa pagkakasangkot sa money laundering.

Ayon sa NAIA media affairs, alas 3:30 ng hapon nang pababain sa eroplano si Dequito.

Bago mapababa ng eroplano, kinumpirma ng abugado ni Dequito na si Atty. Ferdinand Topacio na ang kaniyang kliyente ay palabas ng bansa para ipagdiwang ang kaarawan ng kaniyang anak.

Aminado naman ang Bureau of Immigration (BI) na walang Hold Departure Order o Lookout Bulletin laban kay Dequito.

Pero may mga balitang ang Senado mismo ang humiling sa Department of Justice na harangin si Dequito dahil imbitado ito ng humarap sa pagdinig na gagawin sa March 15 hinggil sa umanoy kaso ng money laundering.

Read more...