Ma’am,
Palagi po akong sumusubaybay sa inyong pahayagan (huwag nyo na pong ilagay ang pangalan ko at ang aking tirahan para sa sa aking kaligtasan).
Nag-email po ako sa sa kadahilanang nais ko pong ma-aware ang aming company sa hindi paghuhulog ng SSS, Philhealth at iba pang mga benifits sa mga bagong empleyado na tulad ko na 1 year and 3 months na, ang iba ay mas matagal pa sa akin. Kasalukuyan po akong maggagawa rito sa John and Carl Trading, marami po kaming branch sa Batangas, Cavite at Parañaque. Nagpa-follow up po ako sa kanila bakit wala po ka-ming hulog sa SSS kasi sayang naman kung wala. Sayang ang benefits na makukuha namin, saka sa PhilHealth hindi rin natin masabi ang panahon kung magkasakit kami at maaksidente.
Sayang ang panahon na lumipas kung inaayos ng management lagi na lang po kaming pinapaasa sa wala.
Wala rin po kaming double pay kapag legal holiday. Ano po ang dapat namin gawin.
Marami pong salamat at umaasa…
Mga Walang Benefits:
1. Driver
2 Pahinante
3. Warehouseman
4. Checker
5. Sales Refresentative
6. Cashier
REPLY: Narito ang sagot ng PhilHealth hinggil sa katanungan ng ating letter sender hinggil sa hindi pagbabayad ng Philhealth contributions ng kanilang kumpanya.
Greetings from Team PhilHealth!
Nais po naming ipabatid sa inyo na ayon sa Implementing Rules and Regulations of the National Health Insurance Act of 2013 (RA 7875 as amended by RA 9241 and 10606), kasama sa mga obligasyon at responsibilidad ng mge employer ang pagpaparehistro ng kanilang mga empleyado sa PhilHealth. Ang halaga ng buwanang kontribus-yon ng mga miyembro ay pantay na paghahatian nila ng kanyang employer. Ito ay dapat i-remit ng employer ayon sa nakatakdang schedule ng PhilHealth at ito ay dapat ding suportahan ng pagsusumite ng Remittance Report.
Ang hindi pagbabayad ng premium contribution ng mga employer ay mangangahulugan na sila ay may pananagutan kung sakaling hindi magamit ng miyembro o ng kanyang mga dependents ang benepisyo ng PhilHealth.
Kung kayo po ay kinakaltasan ng inyong employer ng PhilHealth contribution at ito po ay hindi naire-remit o naibabayad sa PhilHealth, maaari po kayong makipag-ugnayan sa tanggapan ng PhilHealth, magdala lamang po ng kopya ng inyong payslips na magpapatunay na kayo ay kinakaltasan at mag-fill out po ng Salaysay Form upang kayo po ay matugunan ng aming tanggapan.
For more concerns and other queries you may e-mail us again or call our action center hotline at 441-7442.
You may also visit our website at www.philhealth.gov.ph
Thank you.
Warm regards,
CORPORATE ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
q q q
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.