Jopay napikon sa bashers ni Cristine: Sino ngayon ang masasama ang ugali!?

JOPAY PAGUIA AT CRISTINE REYES

JOPAY PAGUIA AT CRISTINE REYES

ANG tapang ng dating Sexbomb member na si Jopay Paguia. She really went out of her way para lang ipagtanggol si Cristine Reyes sa sandamakmak na bashers nito dahil sa ginawa raw niyang pambabastos kay Vivian Velez.

Kasama si Jopay sa Kapamilya series na Tubig At Langis kung saan nagsimula ang bangayan nina Cristine at Vivian. According to the former Sexbomb dancer, tigilan na raw sana ng ilang netizens ang pag-judge sa sister ni Ara Mina dahil hindi naman daw alam ng mga ito ang tunay na nangyari.

Through her Instagram account, she defended Cristine against some bashers, she posted this message,

“O, guys, sana makuntento na kayo sa mensahe ng production ng Tubig at Langis.

“Sana lang sa susunod, bago kayo magsalita ng masama sa isang tao, alamin nyo muna ang panig ng kabila nang hindi nagmumukhang masama ang mga artista, tandaan niyo tao din po ang mga yan.

“At sana mabigyan niyo naman sila ng respeto. Hindi ho biro ang trabaho nila. Nagpupuyat ang mga ‘yan para mabigyan lang po kayo ng magandang palabas sana ma respeto niyo po iyon at sana makuntento din po kayo.

“Wala ni isa sa atin ang may karapatan humusga, sana pagkatandaan niyo po ‘yan. Maraming salamat po. God bless you all.”

Ilan sa mga followers ni Jopay ang nag-comment ng hindi maganda at pati siya ay tinira na rin. Napikon naman siya sa isang basher at sinagot ito ng, “Walang ginawang masama sa inyo si @queencristinereyes para sabihin nyo na masama ang ugali nya.

“Tignan nyo nga sarili nyo sino ngayon ang mas masama ang ugali? Nagsasalita kyo ng hindi maganda dun sa tao. Move on guys. Para sa ikatatahimik ng buhay nyo.”

Read more...