3 patay sa gumuhong lupa, bato

antipoloTatlong lalaki ang natabunan ng gumuhong lupa sa isang construction site sa Antipolo City kahapon ng umaga.
Unang nakuha ang bangkay ni Rene Villegas alas-12 ng tanghali. Ang dalawa pa ay nakuha alas-2 ng hapon— sila ay sina Darwin Villegas at Teten Villegas. Ang mga nasawi ay magkakamag-anak.
Ayon kay PO3 Bienvenido Pangilinan, officer on case, gumagawa ng retaining wall ang mga biktima kasama ang iba pang trabahador ng gumuho ito sa Upper East Lamias, Brgy. Sta. Cruz.
Nahirapan ang mga rescue team na makuha ang bangkay ng biktima dahil sa mga bakal at bato na tumabon sa kanila.
Nakatakbo naman ang dalawang kasama ng mga natabunan isa sa kanila ay bahagyang nasugatan.

Read more...