Registered nurse nanguna sa PNPA graduates; 5 di pinag-martsa

March 10,2016
share this

Registered nurse nanguna sa PNPA graduates; 5 di pinag-martsa

March 10,2016
share this

SILANG, Cavite– Limang kadete na umano’y lumabag sa honor code ang hindi pinayagang makapag-martsa sa graduation rites ng Philippine National Police Academy (PNPA) Masundayaw Class of 2016 Huwebes ng umaga.

Dalawa sa kanila — kabilang ang isang babaeng kadete – ang pinatalsik ilang araw bago ang pagtatapos.

Mula sa dating 350 original member ng nasabing batch, tanging 253 ang tumanggap ng diploma bilang bagong mga inspector para sa public safety degree  sa isinagawang  PNPA graduation sa  Camp Mariano Castañeda sa Silang, Cavite.

“The hearing of the honor cases of three cadets is still ongoing. Two have left the camp this week,” ayon kay PNPA spokesperson Chief Insp. Ritchie Yatar sa isang panayam ilang oras bago ang commencement exercises.

Kabilang sa mga nasabing nilabag ng mga nasipang kadete ay “lying, cheating and stealing” na grounds para sa dismissal.

Isa sa limang nahaharap sa dismissal ay ang pauulit-ulit umano nitong paglabas sa kampo ng walang paalam.

Ito na ang huling graduation na pasisinayaan ni Pangulong Aquino.

Samantala, inaasahan ding dadalo si Vice President Jejomar Binay para siya ang magbigay ng Vice Presidential Kampilan award.

Ang valedictorian ng Masundayaw class na si  Fire Inspector Felipe Alicando Jr., ay isang registered nurse, ang magbibigay ng kanyang valedictory address bago pa magbigay ng talumpati si Aquino.

Si Alicando na tubong  Dulag, Leyte, ay anak ng mga retiradong guro na sina Felipe Alicando Sr. at Encarnacion Alicando.

Nagtapos siya ng nursing sa Remedios Trinidad Romualdez Medical Foundation bago pumasok sa PNPA noong 2012.

Siya ang tatanggap ng Presidential Kampilan award, Fire Kampilan award, Plaque of Merit, at Best in Thesis award.

Siya ay maglilingkod sa Bureau of Fire Protection kabilang ang 16 bagong Fire Inspectors mula sa kanyang batch.

Samantala ang 215 member ng kanilang class ay piniling sumali sa PNP, habang 22 ang maglilingkod naman sa Bureau of Jail Management and Penology.
Read more: http://newsinfo.inquirer.net/772309/licensed-nurse-tops-pnpa-2016-class-5-barred-from-joining-graduation-rites#ixzz42Suabu4I
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending