IBINASURA ng Korte Suprema ang disqualification case laban kay Sen. Grace Poe kahit na pinatalsik nito ang isang town mayor ng Lanao del Norte na pareho kay Poe ang kaso.
Ang Lanao del Norte town mayor ay na-disqualified at tinanggal sa puwesto dahil ginamit niya ang kanyang US passport matapos siyang manumpa bilang Filipino citizen.
Ganoon din si Poe: ginamit din niya ang kanyang US passport matapos maibalik sa kanya ang pagiging Filipino citizen.
Ang tawag diyan ay compartmentalized justice: hustisya para sa malaking tao (Poe) at ibang hustisya para sa maliit na tao (ang Lanao del Norte mayor).
Parang mahirap nang paniwalaan at pagkatiwalaan ang Korte Suprema dahil sa pabor na desisyon kay Poe.
Dapat ay mahiya-hiya naman si Poe sa kanyang pag-insistang tumakbo sa pagkapangulo dahil lamang sa kanyang sikat na yumaong ama na si Fernando Poe Jr. o FPJ.
Naging No. 1 siya sa mga senatorial candidates noong nakaraang eleksiyon dahil sa kanyang apelyido na kanyang pinangangalandakan.
Iboboto kaya siya ng taumbayan kundi lamang sa kanyang pangalan?
Ano bang nagawa ni FPJ sa bansa maliban sa pagiging sikat na aktor?
Ano naman ang nagawa ni Grace Poe sa Senado maliban sa pag-imbestiga ng Mamasapano massacre?
Hindi pa nga mainit ang kanyang upuan sa Senado inaambisyon na niya na maging Pangulo ng Pilipinas?
Di ba iniwan niya ang bansa at naging US citizen siya at bumalik lamang siya dahil sa pagkamatay ng kanyang ama?
Walang karanasan si Poe sa pagpapatakbo o governance. Hindi nga siya naging barangay chairwoman man lang.
Ang kanyang karanasan lamang ay ang pagiging chairman ng Movie and Television Review Classification Board o MTRCB at palagi pa raw siyang absent dahil sa matinding hangover.
Maganda raw ang tandem ni Poe at Chiz Escudero, na kanyang vice presidential candidate dahil pareho raw silang malakas uminom ng alak at manigarilyo.
Kapag sila’y nahalal na presidente at bise pre-sidente, puro lasingan ang mangyayari sa Malakanyang.
Magiging kawawa ang Pilipinas dahil kung hindi lasengga’t lasenggo ang ating magiging mga lider, ay adik naman sa cocaine.
Hindi ko puwedeng banggitin ang pangalan ng kandidatong tumatakbo ng pagkapangulo o pangalawang pangulo, dahil baka mademanda ako ng libel.
Pero maraming nagsasabi sa akin na kilala ang tinutukoy ko na siya’y humihithit ng cocaine, isang mamahaling “upper.”
Ang mumurahing upper ay shabu o methamphetamine hydrochloride.
Ang cocaine ay ginagamit ng mga nasa alta sociedad.
Pareho ang epekto ng cocaine at shabu; nabubuwang ang taong gumagamit nito.
Ang kandidatong tinutukoy ko ay heavy user daw ng cocaine.
Of course, hindi ko tinutukoy si Davao City Mayor Rody Duterte, na tumatakbo sa pagkapangulo, dahil galit na galit ang mayor sa droga.
At hindi na umiinom si Duterte ng alak pero inaamin niya na malakas siyang uminom noong kanyang kabataan.