‘Mas maraming naniniwala kay Vivian Velez kesa kay Cristine!’
PUMUTOK ang isyu sa pagitan ng kaibigan nating veteran actress na si Ms. Vivian Velez at sa sexy nymphet na si Cristine Reyes na magkasama sa teleseryeng Tubig At Langis ng ABS-CBN.
And yes, Ms. Velez has submitted her irrevocable resignation sa management dahil sa masamang pagtrato diumano sa kaniya ng nagmamalditang si Cristine. Nabasa na natin ang side ni Ms. Vivian and whew!
Kahit sino ang nasa katayuan niya ay talagang magpupuyos sa galit kay Cristine – insultuhin ka ba naman nang paulit-ulit at palayasin sa dressing room? Hindi pa nakuntento ang starlet na si Cristine, nang malaman niyang magre-resign na si Ms. Vivian ay kinantahan pa niya habang nagri-rehearse sila ng eksena nila ng “Goodbye” and “Farewell”. Hanggang sa hindi na nakapagtimpi si Vivian at sinita na niya ito kung siya ba ang pinariringgan ng malditang starlet.
Napahagulgol na lang sa kaniyang sasakyan si Ms. Vivian sa labis na pagkainsulto. Ms. Vivian Velez already met up with the production team ng Tubig At Langis at napakiusapan nga siyang ituloy pa rin ang taping para hindi naman abrupt ang pagkawala niya sa serye, provided na hindi na sila magkakaroon ng eksena ni Cristine Something.
It was a better compromise bago pa man tuluyang layasan ni Ms. Velez ang palabas na ito. Okay, nagsalita na rin si Cristine at dinepensahan ang kanyang sarili, and even the production team ay ipinagtanggol si Cristine in some areas.
Meaning, lumalabas na at some point ay si Ms. Vivian Velez pa ang masama. Medyo na-off lang kami sa side na ito ni Cristine. We know that what she all said are lies dahil kilalang-kilala na natin siya sa showbiz.
Remember that time nang mag-away sila ni Ara Mina, kung paano niya ipinahiya ang ate niya sa public? Pinalabas niyang mas masahol pa sa pokpok ang kapatid niya, naalala niyo pa ba? Now, how can you make us believe na wala siyang kasalanan kay Vivian? Sa track record niya sa industriya natin, sa pagtrato niya sa kaniyang nanay before – sa ate niya, sa mga kasama niyang artista. Si Vivian pa yata ang gusto nilang palabasing masama eh.
Sa tinagal-tinagal nang pagkakilala namin kay Ms. Vivian Velez, from the time that she started noong Ms. Body Beautiful days pa niya hanggang sa mag-transcend siya as one of the country’s best actresses, walang record si Ms. Velez na nakipag-away sa mga mas senior sa kaniya.
She has always been very respectful, well-mannered and very generous to everyone. Kahit nu’ng panahong nag-produce siya ng movies under her Amazaldy Films, she was soooo loved by the whole industry, from her co-stars and entire entertainment press.
Even sa fans, mababait sila. Pero itong si Cristine, palagi na lang siyang nasusuong sa kontrobersiya. Paulit-ulit na lang ang mga kagagahan niya kaya sa tingin ba niya ay meron pang naniniwala sa kaniya?
The most that this bitchy starlet could have done was reach out and apologize sana kay Ms. Velez, hindi yung palalabasin pa nilang wala itong kasalanan. Na hindi ganoon ang mga scenario. Pasalamat siya at mabait at disente si Ms. Vivian dahil kung ang mga tulad ni Ms. Cherie Gil or Ms. Divina Valencia or Ms. Odette Khan ang nakabanggaan niya, baka nasapok na siya.
Hindi dapat kinukunsinti ang ganitong asal ng artista – dapat sa katulad ni Cristine ay binibigyan ng sanction. Not because she is the star of the show ay puwede na siyang magmaldita!Akala siguro ni Cristine Something (pahiram ng term na Something, kafatid na Alex Brosas, ha) ay super big star na siya.
Kahit pa ikaw na ang pinakamalaking bituin sa industriya, dapat ay magnanimous ka in everything. Dapat ay mas humble ka, hindi ka nagyayabang. Ewan ko nga ba sa mahal kong istasyon kung bakit binibigyan pa nila ng malaking proyekto ang babaeng ito eh balitang sobra raw talaga ang sama ng kaniyang ugali.
Akala ba namin ay bumait na itong si Cristine Something mula nang manganak siya. Mas lumala pa yata. Kaya dapat sa babaeng ito ay hindi pinapa-patronize hangga’t hindi nagbabago ng ugali eh. Lalong lumalaki ang ulo kasi parang oks lang palagi ang istado ng career niya kahit inilalabas niya ang kasamaan ng ugali niya.
She’s getting so spoiled. Dedmahin nga natin ang babaeng ito. Sarap tampalin, di ba? Basta karamihan (if not all of us) sa media ay naniniwala sa side ni Ms. Vivian Velez. Alam naming nagsasabi siya ng totoo. Itong si Cristine ay talagang may masamang attitude na sana’y mabago pa niya sa lalong madaling panahon dahil pag hindi, baka wala nang gustong makatrabaho siya.
Wala siyang respeto sa nakatatanda sa kanya, bastos talaga! Kungsabagay, kung nagawa nga niyang babuyin ang ate Ara niya before, puwede niyang gawin iyan kahit kanino. Kaloka!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

