No placement fee para sa nurses patungong Germany | Bandera

No placement fee para sa nurses patungong Germany

Susan K - March 09, 2016 - 03:00 AM

ISA sa itinuturing na may pinakamalaki at matatag na ekonomiya sa Europa ang bansang Germany.

Sa ilalim ng Triple Win project at ng Philippines-Germany labor agreement, nakasaad doon ang job placement para sa mga health workers na kakailanganin sa Germany partikular na ang mga nurse, na maaari lamang gawin iyon ng in-house placement facility ng Philippine Overseas Administration Office (POEA) at ng Federal Employment Agency sa pamamagitan ng International Placement services.

Ayon kay POEA Administrator Hans Leo Cacdac, dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kailangang nurses sa Germany, napagdesisyunan ng Governing Board ng POEA na hayaang makapag-recruit ang mga private recruitment agency.

Ngunit paglilinaw ni Cacdac, tanging mga lisensiyadong pribadong ahensiya lamang ang siyang binibigyan ng kapangyarihang makapag-recruit at mahigpit na ipatutupad “No recruitment fee policy”. Walang sisingiling placement fee ang ahensiyang magpapadala ng nurse sa Germany.

Nasa bansa si Philippine Ambassador to Belgium at Luxembourg na si Ambassador Victoria Bataclan kasama ang ilan pang opisyal mula sa iba pang embahada ng bansa sa iba’t ibang panig ng mundo para sa manual voting na isasagawa para sa ating mga OFW. Buong isang buwan ang eleksyon para sa ating mga kababayan sa ibayong dagat.

Katulad nang inaasahan at siyang pangunahing dahilan kung bakit kinagigiliwan ng ating mga kababayan si Amba Vicky, ang katangian niya na napakadaling lapitan. Kapag kaya niya, hindi ka na magdadalawang salita.

Sa loob ng 35 taon na paninilbihan sa Department of Foreign Affairs, may iisang komento ang ating mga OFW kay Amba Vicky: Walang kaere-ere, madaling lapitan at handang makipag-usap kahit kanino, kahit anong oras.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM mula Lunes hanggang Biyernes mula alas 10:30 ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali. Helpline: 0998.991.BOCW; Website: bantayocwfoundation.org at maaari rin namang mag-emailo sa bantayocwfoundation@yahoo.com/ susankbantayocw@yahoo.com

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending