MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Lagi akong nagbabasa ng inyong pahayagan at tunay ngang marami kayong natutulungan.
Minsan na rin akong sumulat sa inyong column dahil may query ako sa SSS. Salamat sa tulong. Ngayon ay gusto ko sanang i-follow up ang aking claim sa sickness benefits na nai-file ng misis ko noon pang Feb 4.
Ano na po ba ang status nito? Malaking tulong din ang makukuha ko pang maintenance ng gamot ko. Ask ko rin kung gaano ba katagal bago mai-release ang claim? Salamat. Sana ay agad ninyo na masagot ang aking katanungan. Ely Bedes REPLY: Good afternoon. Para sa katanungan mo, Mr. Bedes, ukol sa sickness benefit na nai-file ni Mrs. Bedes o ng iyong misis noong nakaraang Peb. 4. Na-approve na ito subalit na-reduce ang confinement ng anim na araw mula Enero 28 hanggang Peb. 3, 2016.
Maaari na itong balikan ng company representative kung meron, sa SSS Malabon. Kung walang company representative, ito ay ipapadala sa employer para mabayaran o ma i-advanced na sa kanya ang sickness reimbursement.
Pinaaalalahanan din namin kayo na huwag pumirma sa sickness reimbursement form kung hindi pa naa-advance sa kanya ang sickness benefit payment. Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan.
Ms. Beth Suralvo Senior officer, Media Affairs Department Social Security System May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com. Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
