AHAS: Sakit at pagluluksa

Ni Joseph Greenfield
Bandera resident psychic

AYON sa Chinese Astrology, ang taon 2013 ay paghaharian ng Itim na Ahas na may elementong apoy at tubig  – pagbabadya ng pagluluksa, kamatayan at paglaganap ng iba’t ibang uri ng nakaririmarim na karamdaman.

Sa taon ito, hindi maiiwasan ang kalamidad na may kaugnayan sa tubig, na mas magiging malala pa sa mga nagdaang bagyong Ondoy at Pablo.

Ang Itim na Ahas ay magdadala ng biglaang mga aksidenteng hindi inaasahan – maraming pampasaherong barko ang lulubog at ilang mga eroplano ang bigla na lamang mawawalan ng kontrol sa kalawakan.

Kasabay nito, hatid din ng Itim na Ahas ang malalaking sunog at pagkatupok ng mga kabahayan sa pamamagitan ng nagngangalit na apoy.

Sa paglilinaw, dalawa ang elementong taglay ng mapamuksang Ahas, sa dahilang bukod sa fixed element niyang apoy, nagkataon ang 2013 ay nagtataglay naman ng elementong tubig.Sa kalihim-lihimang aklat na tinatawag Kabalistic of Secret Knowledge ang 2013, ay may katumbas na bilang na 6 (20+13=33/ 3+3=6), na siya ring representasyon ng numerong 666 sa Bible.

Matatandaang 2000 taon ikinulong at ikinadena sa kalaliman ng kadiliman ang Matandang Ahas na luminlang sa sanlibutan.

Ngunit pagkatapos ng 2000 taon ang Matandang Ahas na ito na luminlang din kina Eba at Adan ay muling papakawalan, upang maghasik ng lagim.

At ang Matandang Ahas ding ito ang mananalasa sa buong kapuluan sa taon ito ng 2013 na magdudulot ng madugong digmaan.

Sa Numerology at kasaysayan, matatandaang nagsimula ang World War II nang salakayin ng Japan ang Pearl Harbor sa Hawaii noong ika-8 ng Disyembre 1941.

Ang 1941 ay may numerong 6 (19+41=60/ 6+0=6) katulad na katulad din ng taon 2013 (20+13=33/ 3+3=6), at hindi lang iyon, dagdag dito ang 1941 ay natapat din sa Year of the Snake, kagaya din ng taon 2013, na Year of the Snake.

Ibig sabihin, sa taon ito ng 2013, may numerong 6, na kumakatawan sa Matandang Ahas na luminlang sa buong sanlibutan, na siya ring kumakatawan sa bilang na 666, posibleng maganap ang Ikatlong Digmaang Pandaigdig o ang orld War III, na higit na magiging madugo  at karimarimarim kung ikukumpara sa mga nagdaang digmaang naranasan ng mga tao.

Sa panahon ng huling digmaang ito, na pasisimulan ng  China, Japan, Pilipinas at America sa karagatan, dito na rin magaganap ang propesiya sa Bible na nagsasabing “ang ikatlong bahagi ng mundo ay malulusaw at matutunaw sa pamamagitan ng apoy.” Subalit hindi lang sa apoy, bagkus sa pamamagitan ng nakalalasong kemikal.

Bago maganap ang Ikatlong Digmaang Pandaigdig, pagtatangkaan muna ang buhay nina US President Barack Obama at Pangulong Noynoy, sa mabilis at nakagugulat na asasinasyon.

Ito ang magiging hudyat at magsisilbing tanda na malapit na malamapit nang maganap ang World War III.

Sa ating bansa,  pagpasok na pagpasok ng Unang Quarter ng taon, simula Enero hanggang Marso, malalaking sunog ang sisiklab.

Lalamunin ng apoy ang matataas na gusali sa business district ng Makati, Mandaluyong, Manila at Quezon City, gayon din ang mga palengke at iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at kampo militar sa bansa.

Partikular na masusunog ang ilang bahagi ng Camp Crame, Camp Aguinaldo, Quinta Market sa Quiapo, at ang mismong Malacanang Palace.

Ito ay nakatakdang maganap sa mga piling araw ng Lunes, Martes at Huwebes sa mga petsang 1, 4, 13, 22 at 26. Di magmamayaw ang mga bumbero at pamatay sunog ngunit  huli na ang lahat – daan-daang bilang ng mga bangkay na sunog ang makikita sa mga pangunahing istasyon ng telebisyon sa bansa.

Kasabay ng delubyo sa apoy isang napakalakas na lindol ang mararamdaman sa Central at Southern Mindanao kasabay ng pagbuka ng lupa at pagtaas ng malalaking alon sa karagatan – maraming bangkay ang pila-pilang nakahanay.

Magaganap ito sa kalagitnaan ng hating gabi at ng madaling araw, kaya konti lamang ang makaliligtas, sa partikular na buwan ng Marso hanggang Mayo sa mga petsang 7, 8, 17, 18, 30, sa araw Martes, Miyerkules at Sabado  na sasabayan ng pag-aalburoto ng mga bulkan sa Albay, Sorsogon at Taal.

Itutuloy

Read more...