Heart game na game makipaghalikan kay Dennis; Chiz wala namang angal

heart evangelista

PAGKATAPOS magkasakit nang dalawang beses these past few weeks, balik sa kandungan ni Sen. Chiz Escudero si Heart Evangelista. Nitong Sunday, sa Instagram account ni Heart, very vibrant ang mag-asawa sa larawan na ipinost ng aktres.

Siyempre, masaya ang fans na makita silang muli na magkasamang nagba-bonding. Last Friday ay medyo nag-worry ang fans ng aktres matapos itong mag-post ng photo ng hospital bracelet nito.

Hindi naman na-confine si Heart at nagpa-check up lamang matapos atakihin ng asthma at magkaroon ng stomach flu. Paano ba naman kasing hindi magkakasakit ang Kapuso actress, eh superwoman lang ang peg niya at walang kapaguran sa pagtatrabaho.

Kamakailan ay naging super successful ang kanyang exhibit sa Ayala Museum na “Oceans Apart”. Bukod sa tinatapos pa niyang artworks, meron pang naka-line up na bags, sapatos at clutches na kailangan niyang pintahan for her clients.

Bukod sa pagiging visual artist, malapit na ring simulan ni Heart ang bago niyang teleserye sa GMA 7 kung saan muli niyang makakasama ang Drama King ng Kapuso network na si Dennis Trillo.

Isa itong sexy-naughty-romantic drama kaya asahan daw na magkakaroon din ng kissing scenes sina Heart at Dennis dito. Sey ni Heart, wala naman daw problema kay Chiz kung magkaroon man siya ng intimate scenes with Dennis. Suportado raw ng senador ang kanyang trabaho.

Bukod nga sa kanyang obligasyon kay Chiz at sa pagiging artista, kinakarir din ni Heart ang magiging mommy sa kambal na anak ng kanyang asawa, ang twina na sina Chesi at Quino. Siyempre hindi nagtatapos diyan ang wife and mommy duties ni Heart since tumatakbo nga ang kanyang mister bilang bise-presidente sa darating na halalan, talagang hinahanapan niya ng panahon para makasama sa kampanya ng asawa.

As much as possible, ayon sa aktres, gusto niyang marinig mismo ng mga tao from her kung bakit deserving manalo ang kanyang hubby. Last week ay pumuntang Bacolod si Heart at talagang na-enjoy ang paglilibot doon at food trip kasama ang mga supporters ni Sen. Chiz. Before her visit to Bacolod ay nagpunta na rin siya sa Davao at Cabanatuan para ipangampanya ang mister.

Read more...