Pia mukhang in love na kay ‘Sexiest Doctor Alive’
Tila unti-unti nang nahuhulog si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa kanyang “admirer” na si Dr. Mikhail Varshavski o mas kilala bilang si Dr. Mike, ang tinaguriang Sexiest Doctor Alive.
Recently, nag-post muli ng bagong picture at video si Dr. Mike ng kanilang bonding moments ni Pia sa kanyang social media. Mabilis na kumalat ang video ng dalawa sa Instagram at Twitter at siyempre, kilig na kilig ang mga followers ni Miss Universe dahil mukhang may “something” na raw na namamagitan sa mga ito.
Sa latest video nga na in-upload ng doktor sa kanyang Snapchat account, makikitang close na close na nga sila ni Pia. Halos mahalikan na nga nito ang dalaga sa sobrang lapit ng kanyang mukha sa face ng Pinay beauty queen.
Kamakailan, mismong si Pia ang nag-post ng ilang pictures nila ng doktor na kuha sa kanilang “gym date”. Magkasabay na sila ngayong nagdyi-gym at mukhang hindi lang iyan ang kanilang ginagawa nila ngayong super close na sila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

