Babae libre sa MRT, LRT2

mrt-lrt

mrt-lrt


May libreng sakay bukas ang mga babae sa Metro Rail Transit 3 at Light Rail Transit 2 ngayong araw bilang bahagi ng pagdiriwang ng International Women’s Day.
Ayon sa Philippine Commission on Women mayroong libreng sakay ang mga babae mula 7 hanggang 9 ng umaga at mula 5 ng hapon hanggang 7 ng gabi.
Mayroon ding 50 porsyentong discount ang mga walk-in na babae na kukuha ng Ombudsman Clearance.
Ang discount ay makukuha sa central office at regional offices ng Office of the Ombudsman.
Libre ring makapapasok ang mga babae sa National Museum sa buong buwan ng Mars.

Read more...