VILMA takot na takot pa rin kay ATE GUY, ayaw pa ring makasama sa pelikula?

vilma santosBaka raw kasi lamunin siya nang buhay sa aktingan

TULOY na tuloy na raw ang pagpalaot ni Vilma Something sa mundo ng indie films.

We’re told that she’s about to star in an independent film tentatively titled “Extra”.

As the title suggests, isang dakilang extra raw sa independent film ang role ni Vilma Something sa movie na ididirek ni Jeffrey Jeturian.

And dagdag pang tsika, isasali raw ito sa Cinemalaya next year.

Twice na raw nagkaroon ng meeting para sa nasabing project na unang gagawin ni Ate Vi next year.

We’re quite surprised that Vilma Something accepted a project like this. Kung sabagay, siya naman yata ang bida kesehodang extra lang ang kanyang role.

What’s more surprising ay tinanggihan ni Vilma ang pagkakataon na makatrabaho ang kumare niyang si Nora Aunor sa isang pelikulang ididirek ni Brillante Mendoza.

Kasama pa si Coco Martin sa movie, ha.

Imagine, inayawan niya ang napakalaking project na ito with her kumare at tinanggap ang isang indie film na siya lang ang bida?

Teka, akala namin ay okay lang sa kanyang makatrabaho si Ate Guy, eh, bakit ngayon pinalalampas niya ang chance na maka-work uli ang Superstar after so many decades?

Insecure pa rin ba until now si Ate Vi kay Ate Guy? Well, it seems.

Kung hindi, eh, di dapat in-accept na niya ang nasabing project, di ba?

We believe that casting coup sana kung natuloy silang tatlo nina Ate Guy at Coco.

Magandang combination ‘yon, at sure na sure kaming magiging super hit ang movie dahil after so many years, ngayon lang uli sila magpapatalbugan sa acting in one movie.

But as it is, tila nabahag ang buntot ni Ate Vi.

Takot siguro siyang LAMUNIN nang buhay nina Coco at Nora sa mga eksena.

Ang nakarating sa aming chika, conflict of schedule ang naging dahilan para tanggihan ni Vilma Something ang project.

Eh, bakit sa indie film ni Jeffrey Jeturian, eh, meron siyang oras at walang ka-conflict-conflict?

Bakit kasi hindi na lang magpakatotoo, di ba?

Mas madaling maiintindihan ng mga tao kapag inamin na lang ang tunay na rason.

Read more...