Baka mabuntis ng BF (2) | Bandera

Baka mabuntis ng BF (2)

Joseph Greenfield - March 07, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Judy Anne ng Telegrafo, Tolosa, Leyte Problema: 1. May boyfriend ako sa ngayon at magdadalawang taon na ang relasyon namin at madalas may nangyayari na sa amin na ginagawa ng mag-asawa. At ang totoo nito kulang na lang ay magpakasal na kami, pero hindi pa daw siya handa. Kaya natatakot po akong baka bigla akong mabuntis. 2. Sabi naman ng boyfriend ko kapag daw nabuntis ako pakakasal na kami kahit civil wedding lang. Itatanong ko lang sana kung ang kasalukuyan ko na po bang boyfriend ang mapapangasawa ko siya kasi ang naka-una sa aking pagkababae? July 10, 1990 ang birthday ko at November 13, 1988 naman ang boyfriend ko. Umaasa, Judy Anne Tolosa, Leyte Solusyon/Analysis: Astrology: Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) at Scorpio naman ang boyfriend mo ang nagsasabing tugma at compatible kayo, dahil ang Scorpio at Cancer ay kapwa pinangingibabawan ng elementong tubig o water. Numerology: Ang birthday mong 10 ay may ruling planet na Uranus-Sun, na siya ring ruling planet ng birth date na 13 ng boyfriend mo. Ibig sabihin, sadya at talagang tugma kayo, kung saan, sa taong 2018 sa edad mong 28 pataas – may kasalang magaganap! Luscher Color Test: Upang lalo pang maging maligaya ang inyong pagsasama sa panahong kayo ay mag-asawa na, ugaliing laging gumamit ng kulay na berde at pula. Ang nasabing kulay ang lalo pang magbibigay sa inyong pamilya ng swerte at magagandang kapalaran, habang patuloy kayong nagsasama at nagmamahalan. Huling payo at paalala: Judy Anne ayon sa iyong kapalaran wala na ngang iba, ang kasalukuyan mo ng boyfriend ang iyong mapapangasawa at makakatuluyan. Ngunit hindi naman tamang ko mo’t mag-kasintahan na kayo ay bigay ka na lang ng bigay tuwing hihingin nya ang pagkababae mo. Kung natatakot kang biglang mabuntis, sundin mo ang kasabihang “true love waits,” sa ganyang paraan mas makatitiyak ng isang maunlad at maligayang pagpapamilya habang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending