Niyanig ng dalawang lindol ang lalawigan ng Quezon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Naramdaman ang unang lindol alas-2:34 ng umaga. Ang sentro nito ay 42 kilometro sa silangan ng Jomalig at may lakas na magnitude 4. May lalim itong limang kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Nagresulta ito sa Intensity I paggalaw sa mga bayan ng Mercedes at Daet sa Camarines Norte.
Alas-10:26 ng umaga naramdaman ang magnitude 3.4 lindol sa Lopez, Quezon.
May lalim itong anim na kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate. May lalim itong anim na kilometro.
Nagdulot ito ng Intensity II paggalaw sa mga bayan ng Catanauan, General Luna at Lopez sa Quezon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
