Baka mabuntis ng BF | Bandera

Baka mabuntis ng BF

Joseph Greenfield - March 06, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Judy Anne ng Telegrafo, Tolosa, Leyte Dear Sir Greenfield, May boyfriend ako sa ngayon at magdadalawang taon na ang relasyon namin at madalas may nangyayari na sa amin na ginagawa ng mag-asawa. At ang totoo nito kulang na lang ay magpakasal na kami, pero hindi pa daw siya handa. Kaya natatakot po akong baka bigla akong mabuntis. Sabi naman ng boyfriend ko kapag daw nabuntis ako pakakasal na kami kahit civil wedding lang. Itatanong ko lang sana kung ang kasalukuyan ko na po bang boyfriend ang mapapangasawa ko siya kasi ang naka-una sa aking pagkababae? July 10, 1990 ang birthday ko at November 13, 1988 naman ang boyfriend ko. Umaasa, Judy Anne Tolosa, Leyte Solusyon/Analysis: Palmistry: Iisa lang naman ang malinaw at kitang-kitang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na wala na ngang iba ang una at ang kasalukuyan mong boyfriend ang siguradong-siguradong makakatuluyan mo at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya. Cartomancy: Eight of Hearts, Two of Clubs, at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa wala kang dapat na ipangamba, dahil sa taong 2018 mabuntis ka man o hindi ng kasalukuyan mong BF, makakasal na kayo at tuluyang magsasama bilang isang masaya at lehitimong mag-asawa. Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending