Anne gagawin nang regular sa Ang Probinsyano ni Coco?

By Reggee Bonoan March 06,2016
share this

Anne gagawin nang regular sa Ang Probinsyano ni Coco?

By Reggee Bonoan March 06,2016
share this

coco martin

Dahil maganda ang feedback ng viewers at advertisers sa tambalang Cardo at Trina sa FPJ’s Ang Probinsyano kaya nagkaroon ng ideya ang Star Cinema na pagsamahin sina Coco Martin at Anne Curtis sa pelikula.

Nabanggit ito sa amin ng isang source sa ABS-CBN at kung hindi kami nagkakamali ay nasulat na rin namin ito dito sa BANDERA. Guest lang daw si Anne sa Ang Probinsyano at isang linggo lang sana siyang mapapanood pero dahil positibo ang guesting niya ay hinabaan pa ang kanyang mga eksena.

Pero posibleng maging regular din si Anne sa serye na lalong magpapalala sa sitwasyon nina Bela Padilla bilang Carmen at Maja Salvador as Glen na parehong may gusto kay Cardo.

Dyesebel pa ang huling serye ni Anne kaya siguro sobra siyang na-miss ng mga manonood na umaarte sa harap ng kamera. Bakit nga ba hindi na nasundan ang Dyesebel ni Anne?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending