Isa na namang gabi ng pagtuklas ang matutunghayan sa Kapuso Mo, Jessica Soho tonight dahil tampok ang kaso ng batang may daan-daang ngipin, ang di umano’y nakabaong ginto sa Iloilo, ang Carrot Man ng Nueva Vizcaya, at iba pang mga paksang naging trending kamakailan.
Ang average na bilang ng mga ngipin ng batang nagpu-puberty ay nasa 28. Pero ang mga ngipin ng siyam na taong gulang na si Johncris, nasa humigit kumulang 200. Aalamin ng KMJS ang dahilan kung bakit tinubuan siya ng daan-daang mga ngipin.
Sa Iloilo, meron daw nakabaong mga ginto sa makasaysayang kapilya sa loob ng sementaryo ng San Joaquin. Sampung kalalakihan ang dinakip ng mga otoridad matapos mapag-alamang naghukay ang mga ito sa Campo Santo sa paghahanap ng kayamanan.
Alamin kung sino ang nag-utos sa kanila na mag treasure-hunting. Sa pagsikat ni Carrot Man, kung anu-ano na ang mga lumabas na meme nito at ng mga pilit siyang ginagaya. Pero si Marivic, may napansing kakaiba sa isang meme ng binansagang Carrot Man daw ng Nueva Vizcaya.
Ang lalaki nga ba sa Carrot Man meme ang anak ni Marivic na isang taon nang nawawala? Lahat ‘yan at iba pang nakakaaliw na kuwento ngayong Linggo sa Kapuso Mo, Jessica Soho after Ismol Family sa GMA.