ANGEL LOCSIN nabiktima na naman ng mga ‘DEMONYO’

Angel LocsinPagpasok pa lang ng Bagong Taon binalahura na

SINCE this is our first BANDERA issue for the year 2013, gusto ko muna kayong batiin lahat ng manigong Baong Taon.

I am ardently praying that this year will be more fruitful and fair to all of us.

Sana lang ay walang maghirap at walang masyadong trahedyang maganap and all.

We’d like to embrace the year na puro positive lang – yung mabawasan ang mga nega.

We must concentrate on work at maging mas generous sa bawat nilalang sa mundo. 2012 wasn’t so bad at all pero it could be much better.

Yung mga karanasan nating medyo makulimlim last year ay ibaon na natin sa ilalim ng lupa. Ha-hahaha! Let’s plan ahead for a brighter 2013.

Nakakatawa lang dahil nu’ng nasa Boracay kami for the New Year (we stayed at the fabulous La Carmela de Boracay owned by dear friend tito Boy So – maraming salamat talaga! Mwah!), I received a bothering text message from one of our dear babies Angel Locsin asking kung meron daw ba  siyang nagawang kasalanan sa amin at kung bakit ganoon na lang namin siya i-lambast sa Twitter. Oh no! I felt sad for her kasi nga, wala akong Twitter account at kung sinumang hinayupak ang may gawa nito, it has affected one of the most loving ladies in our industry.

I immediately called Angel Locsin and made her feel good – sinabi ko sa kanya that it’s not me at all.

Huwag siya kakong maniwala sa mga tinu-tweet ng kung sinumang duwag na iyon na gumagamit ng pangalan ng may pangalan.

Hindi naman ako dapat mahiya sa pinaggagawa ng kung sinong Pontio Pilato na iyon because it’s not me.

Ang sa akin lang sana ay ayusin niya ang buhay niya dahil nandadamay siya ng mga taong inosente.

Nakakaawa lang si Angel Locsin dahil biktima siya rito.

ponHindi ko na inalam kay Angel kung ano ang laman ng tweets ng baliw na iyon na gumagamit ng pangalan ko, pero sa tono ng text message ni Angel sa akin, parang masama talaga.

Kay Angel ako naawa. Imagine, magnu-New Year na lang nakagawa pa sila ng kabulastugan.

Pinalungkot nila ang mahal naming anak-anakan.

Kaloka, di ba? I don’t want to wish ill of that person na may gawa nito pero nakikiusap ako na sana’y tantanan na niya ang ganitong masasamang gawain.

Kung gusto niya, gamitin niya ang tunay na pangalan niya, huwag gumamit ng pangalan ng iba. Ka-cheapan to the max, di ba?

Anyway, let’s start the year right. Let’s be better souls.

Basta kami, nag-enjoy kami sa stay namin sa La Carmela de Boracay.

Napakabait ng lahat ng staff ng hotel na ito ni tito Boy So – our favorite destination tuwing sa Boracay kami.

At home na at home kasi kami.

Nu’ng Dec. 29 kami umalis, kasama ko ang mahal na mahal kong anak na si Carlo Brian along with some family members like Toxin,

Nang Miling, Douglas and colleague Ernie Enrile and one of my favorite Panggas na si Duncan Ramos.

Nag-overnight lang si Pangga Duncan sa Boracay and left the next day dahil he has a lot of things to do back in Manila. Dec. 30 naman dumating ang pamilya namin from Dingle and Santa Barbara, Iloilo.

I enjoyed so much the company of Mommy Carmen Sucaldito, my sisters Maricar and ate Baby, my brother Buboy and my nieces and nephews and our distant cousin Manang Iyoy.

Masarap lang talaga ang feeling kapag magkakasama pa kayo pero kapag nagpapaalamanan na, iyakan blues na. Ganoon naman talaga, di ba?

May saya nga, may kahalo namang lungkot pag uwian na.

“This January na kasi lalabas ang album ko kaya I have a deadline to meet this Jan. 3.

Kung hindi lang ako nagmamadali sana I could have stayed a little longer, I enjoyed my stay at La Carmela,” he proudly told us.

Sumunod na lang si Dominic Rea the next day, same day sila dumating nina Lito “Yanggaw” Alejandria ang his family while kami naman ni Allan K ay sabay dumating ng Dec. 29.

Pero bukas pa uuwi sina Lito and Dominic.

Saya-saya pala sa Boracay pag New year, first time ko kasing nag-New Year outside our home. First time kaming nag-New Year na hindi kami nakalanghap ng usok ng mga pulbura kaya we feel so clean. Charrosss!

Kasi nga, kahit nagkaroon ng fireworks display sa Boracay, malayo ang puwesto ng mga fireworks sa mga tao – nandoon sila sa laot habang nanonood lang kami from afar.

Winner ang fireworks ng La Carmela compared to the yearly showcase ng Regency Hotel. Sarap tingnan ng kalangitan with those beautiful fireworks.

Anyway, that’s all for now kasi mag-iimpake pa kami para sa pagbalik namin sa Manila tonight.

Bibiyahe pa kasi kami ng two hours papuntang Kalibo Airport.

Magbalitaan na lang tayo once we get back there, OK?

Thanks for all the love you’ve shared with us last year and let’s continue loving each other this year and the next years to come. Mwah!

Read more...