Tinuldukan na ni Sen. Tito Sotto ang kontrobersiyal na pagkamatay ng dating sexy star na si Pepsi Paloma na patuloy na
ikinakabit sa kanyang pangalan pati na rin kina Vic Sotto at Joey de Leon.
Ayon kay Tito Sen na tumatakbo uling senador, gimik lang daw ito ng talent manager ni Pepsi noon na si Rey dela Cruz (SLN) at nais niyang ipaalam sa lahat na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng dating aktres.
Sa panayam kay Tito Sen sa “Ikaw na ba? Ang senador para sa pamilyang Pilipino” segment ng DZMM kamakalawa, naitanong nga ang walang kamatayang kuwento tungkol sa sinasabing “katotohanan” sa likod ng pagpapakamatay ni Pepsi Paloma na talagang pinag-
usapan ng buong bayan noong 1982. Siya kasi ang itinuturo na pwersahang nagpapirma raw ng affidavit of desistance kay Pepsi para hindi na ituloy ang rape case laban sa mga suspek na sina Vic, Joey at Richie D’Horsie.
“Una, 1988 po ako naging vice mayor ng Quezon City. Matagal na hong wala ‘yung kwentong ‘yun. 1982 ho yung kwentong iyun eh. So, wala ho akong pakialam sa isyung iyan nung araw.
“Para ho sa kaalaman ng lahat…gimik ho ni Rey dela Cruz ‘yun. Hindi ho totoo ‘yun. Pinagtangkaan nilang magkaso kasi tinira sila ng libel nina Vic at Joey. Idinemanda sila ng libel kaya pinagtangkaan nilang balikan ng kaso. Kaya hindi po totoo ‘yun, wala pong katotohanan,” pahayag ng senador.
Nanindigan pa ang TV host-politician na drugs ang ikinamatay ni Pepsi noong 1985, kasabay ng pagsasabing wala siyang kinalaman sa pagpapakamatay ni Pepsi, “Wala ho, droga ho yun!”
Tito Sen: Wala akong alam sa pagpapakamatay ni Pepsi Paloma
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...