Matapos ang kontrobersyal na ‘hayop’ statement vs bading, tomoboy; Pacquiao bagsak sa ika-14 na puwesto sa senatorial race

MANNY PACQUIAO

MANNY PACQUIAO

BUMAGSAK si Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa ika-14 na puwesto sa pinakahuling survey ng Pulse Asia para sa senatorial polls sa Mayo.
Sa 56 na senatorial candidates, 14 na pangalan ang nakapasok sa Pulse Asia survey na isinagawa noong February 15 hanggang 20.

Sa top 14 na senatoriables, 9 ang mga kasalakuyan at dati nang nanilbihan sa senado, 4 ang dati at kasalukuyang kinatawan sa mababang kapulungan ng kongreso at isa ang wala pang karanasan sa lehislatura.

Sa datos mula saPulse Asia, nangunguna pa rin sa survey si Senator Tito Sotto (63.6), pangalawa si dating Senador Panfilo Lacson (60.2), ikatlo si dating Senador Kiko Pangilinan (54.1), pang-apat si Senator Ralph Recto (53.4) at panglima si Senator Franklin Drilon (52.4).

Sumusunod naman sa pang-anim na pwesto si dating Senador Migz Zubiri (48.5), pang-pito si Justice Sec. Leila De Lima (45.3), pangwalo si Senator Sergio Osmeña III (43.7), pangsiyam si dating Senador Dick Gordon (42.6), at pangsampu si Rep. Sherwin Gatchalian (41.2).

Nasa pang-labingisang pwesto si dating Tesda Dir. Joel Villanueva (39.1), pang-labingdalawa si Senator TG Guingona (36.7), pang-labingtatlo si dating Rep. Risa Hontiveros at pang-labingapat si Cong. Manny Pacquiao.

Sa lahat ng mga senatoriables na pasok sa top 14, si Pacquiao ang nakapagtala ng may pinakamalaking pagbaba ng puntos dahil nasa 46.9 ang rating niya noong January survey kumpara sa 34.8 na nakuha niya ngayon.

Matatandaang binatikos si Pacquiao ng mga netizen matapos naman niyang tutulan ang same sex marriage sa pagsasabing masahol pa ito sa hayop.

Read more...