KINASUHAN ng murder ang live-in partner ng hotel assistant manager na si Edgel Joy Durolfo at tatlong iba pa kaugnay ng kanyang pagkamatay.
Inihain ang kaso laban kina Rodney Ynchausti, Josiebelle Uy, Molo Hwang at Paulo Egoc ganap na alas-11 ng umaga kahapon sa Parañaque Prosecutors Office.
Ginawa ang paghahain matapos ang isinagawang autopsy sa 26-anyos na assistant manager ng Solaire Resort and Casino sa Barangay Tambo kung saan lumabas na asphyxia by manual strangulation ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Nagtugma naman ang resulta ng pagsusuri ng Southern Police District Scene of the Crime Operatives sa sanhi ng pagkamatay ng biktima na nakalagay sa death certificate na ipinalabas ng San Juan de Dios Hospital sa Pasay kung saan idineklarang patay si Durolfo.