Anim na taekwondo jins agawan sa Asian qualifier para sa Rio Olympics

ANIM na taekwondo athletes ang nakapasa sa pamantayan ng Philippine Taekwondo Association (PTA) subalit apat lamang sa mga ito ang mabibigyan ng tsansa na masungkit ang mailap na silya para sa 2016 Rio de Janeiro Olympic Games.

Inihayag ng PTA na anim na miyembro nito ang makakalahok sa Asian Olympic qualifying sa Abril 16-17 sa Marriott Hotel Grand Ballroom sa Pasay City.

Ang mga ito ay sina Francis Aaron Agojo na sasabak sa -58kg, Samuel Morrison sa -80kg at si Kristopher Uy sa +80kg sa kalalakihan at sina Kirstie Lorraine Allora sa -57kg, Pauline Louise Lopez sa
-57kg at  Edita Ilao sa -49kg sa kababaihan.

Gayunman, apat lamang sa mga ito ang puwedeng ilahok ng bansa sa torneo dahil sa ipinapatupad na kautusan na limitado lamang ang bawat bansa na sumali sa dalawang dibisyon sa lalaki at babae sa Asian qualifying tournament.

Matatandaan na sina Morrison at Lopez ay nagawang kakapagwagi ng gintong medalya noong 2015 SEA Asian Games.

Ito ang natatanging Olympic qualifying event para sa Asya at inaasahang dadaluhan ng pinakamagagaling na jin mula sa 45 bansa.

Read more...