GUSTO na uling gumawa ni Derek Ramsay ng teleserye dahil nami-miss na raw niya ito. At sana raw ay ibalik ng TV5 ang Kidlat, ang unang superhero series na ginawa niya para sa telebisyon.
Matatandaang 2012 ito ginawa ng aktor sa Kapatid network at pagkatapos ay pawang reality at games shows na ang naging project niya tulad sa darating na Linggo, Marso 6, ang launching ng ikatlong season ng Sunday variety show na Happy Truck Happinas.
Sa tanong kung bakit hindi tinanggap ni Derek ang TV remake ng Carlo Caparas’ Ang Panday sa TV5, “If I wanted to, I would say yes, but Panday is a great role. Actually, I was one of the chosen to do Ang Panday.
“But I did Kidlat na, and for me, that’s homegrown TV5, they gave me that project, my very first big project, parang binastos ko naman ‘yun kapag I’ll portray another superhero.
“My respect to Mr. Ray Espinosa (dating Presidente at CEO ng Mediaquest) who gave me that project, I can’t do that (Ang Panday) and I know what is utang na loob for me to portray Kidlat wherever I go, iyon ang tawag sa akin ng mga bata kaya sabi ko, kahit na mahirap if kung bubuhayin nila si Kidlat, I’m willing to do it,” katwiran ng aktor.
Dagdag pa ng hunk actor, “Sabi ko nga, mapa-TV or mapa-movie gagawin ko, kasi nagri-rate ‘yun. Kaya sana ang next teleserye ko should be Kidlat kasi I strongly believe in the character and it can rate kasi maski na mabibigat ang kalaban namin no’n, I think sa ABS-CBN ang kalaban namin was Coco Martin as Juan dela Cruz, and sa GMA, I think Bong Revilla, but I forgot the title.
“And sa online votes, nanalo si Kidlat as superhero, kaya sayang (nawala) kasi in the next three to four years, hindi ko na magagawa ‘yung mga fight scenes na ‘yun,” dagdag pa ni Derek.
Bale dalawa ang TV projects ni Derek sa TV5 ngayon, ang Happy Truck Happinas at ang sisimulang reality show na Tough Rough Philippines kung saan nagkaroon ng minor accident ang TV host-actor habang nate-taping.
“E, kasi sumabay ako sa contestants, sinabayan ko sila sa gagawin nila, e, wala akong (knee) pads, as in hindi ako handa, so ang nangyari, nagkasugat-sugat ako, grabe ‘yung kaskas ng balat ko at kita ‘yung laman, tapos ‘yung mga tuhod ko, sobrang labas din ang laman. Ang hapdi talaga at sakit ng buo kong katawan.
“Pero ngayon, patuyo na ‘yung sugat, next time na sasama ako sa kanila (contestants), ready na ako,” aniya pa.
Parang masokista naman si Derek dahil tila enjoy siyang nasasaktan siya kapag may games lalo na sa Frisbee na nabali-bali ang buto at lumabas pa at kinailangan siyang lagyan ng bakal sa kaliwang braso.
Anyway, looking forward na si Derek sa pelikulang pagsasamahan nila ulit ni Bea Alonzo sa Star Cinema dahil reunion nila itong dalawa.
“Nagkasama na kami ni Bea sa pelikulang ‘And I Love You So’ at sa teleseryeng Magkaribal and it’s really nice to be reunited with Bea to do a project,” saad ng aktor.
Pero as of now ay si Shaina Magdayao daw muna ang leading lady niya para sa pelikulang “My Candidate” under Quantum Films at si Quark Henares ang direktor na ipalalabas bago mag-eleksyon.
“Something timing with the upcoming elections. Originally, dapat si Jennylyn (Mercado) kaso busy siya so it’s Maja (Salvador) pero nagka-clash ang schedules namin, so si Shaina na. mahusay na artista si Shaina,” pahayag ni Derek.
Magbabalik tambalan naman sina Derek at Anne Curtis para sa Viva Films na ang working title ay
“Sino Si Ligaya” at malapit na rin daw silang magsimulang mag-shooting.
“At meron pa kaming ‘The Escort’ with Ellen Adarna under Regal Films,” say ni Derek.