Ang BF na ba ang makakatuluyan? (2) | Bandera

Ang BF na ba ang makakatuluyan? (2)

Joseph Greenfield - March 03, 2016 - 02:20 PM

Sulat mula kay Carmina ng San Vicente, Likoan, Metro Cebu
Problema:

1. Dalawang taon na nitong nakaraang February 14 ang relasyon namin ng boyfriend ko at sa kasalukuyan madalas na pong may nangyayari sa amin. Sabi ko sa kanya ay magpakasal na kami, pero hindi pa daw siya handa, kasi nag-aaral pa siya at mga two years pa bago siya maka-gradueyt kaya sa ngayon medyo kinakabahan ako na baka sa bandang huli ay hindi nya rin ako piliing pakasalan.
2. Kaya naisipan kong sumngguni sa inyo upang itanong kung compatible ba kmi ng boyfriend ko at kung kami na ba ang magkkatuluyan? July 16, 1990 ang birthday ko at November 2, 1993 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Carmina ng
Metro Cebu
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) at Scorpio naman ang boyfriend mo ay nagsasabing compatible kayo, dahil ang Scorpio at Cancer ay may iisang elementong tinataglay, ito ay ang elementong water o tubig. Ibig sabihin, tugma at compatible talaga kayo.
Numerology:
Ganon din ang kinalabasang pag-aanalisa ng birth date mong 16 at birth date niyang 2, kung saa kapwa tugma at compatible din ang numerong 16 at 2, dahil kapwa sila nabibilang sa weak number na tinatawag. Kung saan, sa Numerology ang parehong weak number ay sadya ngang tugma at compatible sa isat-isa.
Luscher Color Test:
At kapag nagkatuluyan na kayo ng boyfriend mo, sa loob at labas ng inyong bahay laging gumamit ng kulay na berde, pink at pula. Ang nasabing mga kulay ang magbibigay ng dagdag na suwerte, at magbibigay din ng dagdag na pag-unlad at init sa inyong pagmamahalan.
Huling payo at paalala:
Carmina, ayon sa iyong kapalaran walang duda ang kasalukuyan mo na ngang boyfriend ang iyong makakatuluyan, higit lalo kung ang porma ng kanyang pangangatawan ay medyo chubby o mataba. Kung saan, dalawang taon ang lilipas mula ngayon, sa year 2018 sa edad mong 28 at 25 naman ang boyfriend mo, tiyak ang magaganap, may isang simple pero masayang kasalang mararanasan na hahantong sa isang maunlad, maligaya at pang habang buhay ng pagpapamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending