Aiza Seguerra, Liza Dino nag-honeymoon sa Peru

aiza seguerra

Natuloy na rin ang pinakahihintay na honeymoon nina Aiza Seguerra at Liza Dino sa Peru. Mahigit isang taon nang kasal ang dalawa ngunit ngayon lang talaga nila naplano ang kanilang honeymoon.

Sa mga litratong ipinost nina Aiza at Liza sa Instagram, kitang-kita ang kaligayahan ng mag-asawa sa pag-iikot nila sa Machu Picchu, Peru. Sa isang picture kung saan makikitang magkasama sina Aiza at Liza sa loob ng sasakyan patungo sa kanilang destinasyon, ito ang inilagay na caption ni Aiza, “This is it!

After one year of being married, matutuloy na rin ang first leg ng aming honeymoon! First stop: Machu Picchu in Peru! Can’t wait to explore this place with you my love. Kinakabahan ako na excited na ewan. I love you so much baby!!! Yahoooo!!!”

Read more...