Callboy na hunk actor pinasok na rin ang pambubugaw

NAKAKALOKA ang bagong kuwentong nakarating sa amin tungkol sa isang hunk actor. Chick boy ang hunk actor, puwede siya sa chick, puwede rin sa boy.
Marami na siyang pinagdaanang mga kamay ng mga becki, marami na rin siyang naging girlfriend na artista, pero ang pinakahuling istorya ang pinakanakakaloka.
Kuwento ng source na nakakaalam ng mga milagro ng hunk actor, “Isa na siyang Boogie Wonderland ngayon. Naglalako na siya ng karne. Dati, e, siya lang ang inilalako sa merkado ng mga becki at matrona, pero ngayon, siya na mismo ang nagtitinda!” madiing kuwento ng aming impormante.
Ewan kung ano ang nakain ng hunk actor at pinasok na rin niya ang ganu’ng linya. Hindi naman siguro siya nagugutom dahil marami naman siyang proyekto.
Balik-kuwento ng aming source, “Hindi lang naman kasi matinding pangangailangan ang dahilan ng ganu’n, ang matinding luho rin. Maluho kasi siya, mahilig siya sa puro branded na kagamitan, ayaw niyang nagpapahuli sa mga co-stars niya.
“Kunwari, may bagong labas na ____ (brand ng rubber shoes na naging kontrobersiyal dahil sa isang napakasikat na male personality), kailangang meron siya agad nu’n para lang masabing isa siya sa mga unang nagkaroon ng brand na ‘yun!
“Di ba naman, may kayabangan din kasi ang mokong na ‘yun, tagung-tago lang, pero kailangang mauna siya palagi sa mga bagong labas na branded stuff!” dagdag na kuwento ng aming source.
Sa kanya pala dumadaan ngayon ang mga lalaking personalidad na kumakapit sa patalim, siya ang tinatawagan-tinatakbuhan, siya ang tagahanap ng becki o matrona para ijugaling ang mga kasamahan niya.
“Bradly Guevarra, ano kaya ang masasabi ng lola mong naging dyowa nang matagal na panahon ng hunk actor na itey? Meron ba siyang mga kamay para sampalin nang paulit-ulit ang hunk actor?” pagtatapos ng aming impormant

Read more...