Jolina wala ring alam kung buntis nga si Toni | Bandera

Jolina wala ring alam kung buntis nga si Toni

Ervin Santiago - March 02, 2016 - 02:00 AM

jolina magdanagal

MAINIT pa rin talaga ang suporta ng fans ni Jolina Magdangal lalo na sa pagbabalik niya sa industriya ng musika. Nakakuha kasi agad ang kanyang comeback record album na “Back To Love” ng gold record award, dalawang linggo pa lang pagkatapos itong mai-release.

Ubos na ubos talaga ang higit kumulang na 7, 500 na kopya ng CD ni Jolens. Ayon kay Jolina, nang humarap sa entertainment media para sa press launch ng album kahapon, at home na at home na talaga siya lalo na nga at nagbalik na siya sa Star Music, ang recording label na nag-produce ng kanyang comeback album.

Punong puno raw ng love songs na talagang ikakikilig ng lahat ang “Back To Love”. “Yun talaga ako, ma-love songs ako. Masenti. Masaya ako pag kumakanta ng hugot songs. Mas kinikilig ako pag senti yung kanta,” pahayag ng singer-actress.

At dahil nga mahigit 14 years na ang lumipas bago bumalik sa mundo ng musika, hands on talaga siya sa pagbuo ng “Back To Love”, kabilang na ang pagbusisi sa cover nito at ng mga litratong gagamitin sa kabuuan ng album.

“Super hands on ako sa album na ito. In-involve ko talaga ang sarili ko sa lahat. Sabi ko nga, isa akong malaking pakialamera dito. Mula sa pagpili ng konsepto, pagpili ng songs, paggawa ng cover hanggang sa music video.

Sobrang thankful din ako na binigyan ako ng chance ng Star Music na makialam sa album,” dagdag pa ni Jolens. Mapapakinggan sa album ang carrier single niyang “Ikaw Ba ‘Yon” na pwedeng-pwedeng maging theme song ng teleserye, ang “Kaya Mo Pa Ba,” “Paano Na To” at “Nasaan Na”.

Tampok din ang ’90’s hit ni Jolina na “Kapag Ako Ay Nagmahal” na mayroon pang 2015 version plus isang remix kung saan kasama pa si Gloc-9, “Nakaka-proud nga dahil hindi ko akalain na pwede pang magkaroon ng ibang version ang song dahil kay Gloc 9.”

Matutuwa naman ang fans sa pagbabalik ng kantang “Chuva Choo Choo 2.0” kung saan naka-duet nga niya ang Unkabogable Star na si Vice Ganda. Kasama rin sa track list ang mga awiting “Sa Panaginip Lang”, “Still You”, “Ganito Pala Ang Pag-ibig”, at “Throwback Lang” kung saan naka-duet naman niya si Kyla.

Mabibili na ang “Back to Love” album sa mga record bars nationwide. Si Rox Santos ang overall producer nito. Mapapakinggan rin ito sa Spotify, isang music playing application para sa mga mobile phones.

Maaari ring ma-download ang digital tracks sa pamamagitan ng online music stores katulad ng ABS-CBN Store, iTunes, Mymusicstore.com.ph, Amazon.com, OneMusic.ph, at Starmusic.ph. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang Starmusic.ph o sundan ang official social media accounts ng Star Music.

Samantala, natanong namin si Jolens during the presscon kung tuloy pa ba ang next teleserye sana niya sa ABS-CBN, ang Written In The Stars, kung saan makakasama niya sina Piolo Pascual, Sam Milby at Toni Gonzaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey ni Jolina, natigil daw muna ang taping nila for some reasons, pero matutuloy pa rin daw ito kapag naayos na ang ilang problema. Wala rin daw siyang idea kung totoong na-delay ang nasabing project dahil buntis na nga si Toni, “Hindi pa rin naman kasi niya kino-confirm o dinedenay, di ba? Hindi pa siya nagsasalita about it.

So wala pa talaga kaming alam tungkol diyan. Pero sa pagkakaalam ko, isa sa reasons ay dahil mas pinagaganda pa yung script.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending