Ang BF na ba ang makakatuluyan?

Sulat mula kay Carmina ng San Vicente, Likoan, Metro Cebu
Dear Sir Greenfield,
Dalawang taon na nitong nakaraang February 14 ang relasyon namin ng boyfriend ko at sa kasalukuyan ay madalas na pong may nangyayari sa amin. Sabi ko sa kanya ay magpakasal na kami, pero hindi pa raw siya handa dahil nag-aaral pa siya at mga two years pa bago siya maka-graduate. Kaya sa ngayon ay medyo kinakabahan ako na baka sa bandang huli ay hindi rin niya ako piliing pakasalan. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung compatible ba kami ng boyfriend ko. Kami na ba ang magkakatuluyan? July 16, 1990 ang birthday ko at November 2, 1993 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Carmina ng Metro Cebu
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw at magandang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay tanda na ang unang seryoso at totohanang boyfriend mo ang iyong mapapangasawa at makakasama habangbuhay.

Cartomancy:
King of Clubs, Nine of Hearts at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing huwag kang mag-alala at mabahala sapagkat bukod sa compatible kayo ng boyfriend mo ay malaki ang posibilidad na kayo ang magkakatuluyan. Sa sandaling kayo ang nagkatuluyan, ang inyong itatayong pamilya ay siguradong magiging maunlad at habangbuhay na magiging maligaya.
Itutuloy

Read more...