Matutuloy bang mag-D.H. sa Hong Kong? (2)

Sulat mula kay Inday ng Matabao, Buenavista,  Agusan del Norte
Problema:
1. 1. Ako ay isang single mom at ako lang mag isa ko ang bumubuhay sa 3 years old kong anak sa pagkadalaga. Kaya upang mabigyan ko ng magandang kinabukasan ang aking kaisa-isang anak na hikayat akong mag-aplay sa Hong Hong bilang D.H. Sa ngayon ay nasa Hong Kong na ang kumapre ko na D.H din doon at siya ang tumutulong sa akin upang makapunta ako sa Hong Kong, kasi nangangailangan pa daw ng isang kasambahay ang kanyang amo.

2. Tanong ko lang sana ay kung may pag-asa kaya akong maging D.H. sa Hong Kong, nakatapos naman ako ng high school, kaya qualified naman daw ako sabi ng kumare ko at siya na daw ang bahala sa gastos bayaran ko na lang daw siya kapag nandon na ako. November 19, 1986 ang birthday ko. Matutuloy kaya ako sa abroad at kalian kaya ito mangyayari kung sakaling matuloy ako?

Umaasa,
Inday ng Agusan del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) ang nagsasabing kung ang kaibigan o kumare mong babae na tumutulong sa iyo upang makapag-D.H. sa Hong Kong ay isang Taurus, tiyak ang magaganap, sa suporta niya, walang gastos na makapag-aabroad ka.
Numerology:
Ang birth date mong 198 ay nagsasabing lagi kang magsuot ng kulay na dilaw, pula o kaya’y berde. Sa ganyang paraan, sa taon ding ito ng 2016 sa edad mong 29 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pag-aabroad na magaganap sa iyong kapalaran.
Graphology:
Bago ka mag-aplay at mag-ayos ng mga papeles, ang unang ayusin mo muna ay ang paraan ng pag-pirma. Ibig sabihin pagandahin mo ang iyong lagda, sa pamamagitan ng pagpapalaki sa mga letra at salita at pagkatapos, tapusin mo ang iyong pirma sa pataas na stroke na malilikha ng buntot o pinaka-paa ng “letrang a”. Sa ganyang pirma uunlad at makapag-aabroad ka.
Huling payo at paalala:
Inday ayon sa iyong kapalaran habang may tumutulong sa iyo na kumare o isang kaibigan upang ikaw ay makapangibang bansa, samantalahin mo ang pagkakataon, dahil sa edad mong 29 pataas sa panahong ito ng iyong buhay, ito na ang isa sa pinaka-mapalad mong panahon. Kaya nga sa malapit na hinaharap, mga ilang buwan na lang mula ngayon, sa Hunyo o kaya’y sa Hulyo, may isang mabunga at mabiyayang pagdi-D.H. sa Hong Kong na itatala sa iyong kapalaran.

Read more...