Lloydie maglaway ka, Angelica balik-alindog daw ang emote

ANGELICA PANGANIBAN AT JOHN LLOYD CRUZ

ANGELICA PANGANIBAN AT JOHN LLOYD CRUZ

PANGGULAT ang REED-THIN figure ni Angelica Panganiban ngayon.

Now lang namin siyang nakitang ganito kapayat in her entire career. Pero maganda naman ang pagkapayat ng dalaga, hindi siya nagmukhang tuyot. There’s some freshness naman sa kanyang face.

When she posted a photo of her while donning a two-piece pink bikini, she captioned it this way: “May pambili din kami ng rose!!! Kaya puwede kaming magyaman yamanan at maglook away.”

Easily, marami ang nagkagusto sa kanyang bagong katawan, “Kasing-payat na niya yung gf ni Derek,” observed one guy.

“Kunsabagai, sa ilang taon kung nakikita si Angelica isa to sa mga pictures kung saan slim siya. Way to go girl!” say naman ng isa pa.

“May pinapatamaan ba siya dito sa post na ito, kagaya ng kay B na present daw ni JLC ngayon? Kasi di ba…” say naman ng isa pa.

“ON a side note, akala ko si Maria Sophia Love ito! Pak, ganern!” pakuwelang chika naman ng isang fan.

“Sexy and beautiful. Break ups are blessings in disguise. I hope the new you radiates from within,” one adoring fan said.

“I agree. Depending on how you handle yourself during heartbreaks, a break up will bring the best or the worst out of you. Angelica’s going for the better!” echoed another Angelica fan.

Read more...